religion matter

Mali po ba na ako ang magdesisyon kung san ko papabinyagan ang pangalawa kong anak ? Before po kmi magsama ng asawa ko , alam nya na born again ako at hndi papayag ang papa ko na hindi born again maging asawa ko , so willingly po sya nung time n yon pra magpaconvert. Nagpakasal po kmi sa civil dhil s pagkakaiba ng gusto ng mga magulang nmin. One is on born again and and on the other hand is catholic. Well, habang tumatagal ehh parang nagkaron ng authority na sabihin na dapat magpaanib ako s knya dhil sya ang lalaki dhil cnabihan sya ng mga byenan ko na dapat nman tlga ako ang magpaanib, hndi sya, dhil sya ang lalaki. So well, tanggap ko nman ung point na iyon. For me kc religion is not what will save you. Importante ay iisa kayo ng sinasamba so, pumayag ako n pabinyaagn ang panganay ko sa catholic , since cla din nman lahat ng gagastos. No words. Wla clang narinig sa akin. Then this little boy came into our life. At this time ako ang nagasikaso ng lhat for the christening pati gastos sakin din dhil gusto ko sna sya pabinyagan sa born again. Then before ako nagdesisyon nito kinausap ko ung asawa ko , a month before the date . Then he said yes. While arguing last night about this, wla dw sya natatandaan n pumayag sya dhil sinabihan n pla sya ng mga byenan ko na kung magpapabinyag dw ako sa born again dun dw ako sa amin Wag dw sa knila.( By the way nakikitira po kmi s byenan ko dhil gusto nila un pra makatapos muna anak nila s pagaaral. ) So nadedepress po ako ngayon. Ang sakit sa puso na sarili kong asawa di ako madamayan at maayunan sa gusto kong mangyare. I feel so alone at pakiramdam ko nkkranas ako ng post partum depression. Umiyak ako the whole night sa kakaisip kung ano dpat kong gawin. Wala dw ako utang na loob sa kanila ???. Di kona po tlga alam. Can any body please answer me ?

11 Các câu trả lời

Ako simula palang mag bf-gf kami ng husband ko, sinabi ko talaga sa kanya na hindi ako magpapa convert to Catholic kahit na anong mangyari. So sya lumipat samen and I think his family secretly hates it. Pero sumunod sya saken. Nasa asawa mo yan pag may paninindigan baka kasi akala nya okay lang sayo. Ngayon wala naman kaming problema and never ko papabinyagan ang anak ko sa Catholic. Civil wedding din kami because of the same reason but one day sa simbahan naman namin ❤ Btw, wag kayo makitira sa parents nyo. Side mo or side nya para fair and walang gulo. Minsan kasi naiisip nila may right sila makialam kasi nasa poder kayong mag asawa sa bahay nila.

Stand your ground as a wife sis. Wag ka papatalo dahil mamimihasa yan sila to the point na every decision mo babalewalain na.

Same here momsh... Im a born again Christian and my husband is catholic... Pero hindi issue samin ang religion. Pero sa Christian church kame nagsisimba and he likes it. And no pressure sa kanya... He have a decision naman if he want to attend or not. And when it comes sa binyag. We talked already na if ok sa family side nya na sa christian ipabinyag si baby at sabay na ang bday at dedication day nya... If hindi sila pumayag, ok lang naman. Ang mahalaga naman is yung connection mo kay God and not the religion. Pag laki naman ni baby kapag may isip na sya pwede naman na sya magpaconvert eh... Pero syempre depende parin sa bata yun....

Tama ka jan sis ♥️

Cguro kung san nalang po ung sitwasyon n panglahatan sabi nyo nga po hindi nman s religion yan kung may maggigiveway po at iisipin na magiging ok ang sitwasyon don po tayo... realtalk po s sitwasyon nyo mas ok n cguro n sumunod n lang kayo sa side nila para atlis wala n lang pong problema na sa satin magulang padin po yan kung pano natin papalakihin ang mga anak natin about spiritual matter kaya para po wala prob kayo napo maggive way masaya n si hubby less problem pa po un lang nman po ehhh personal ko kayo padin po masusunod on that matter 😊😊😊

Mamsh in time nman po pag mag isip na mga anak nyo pwede nman po cla magsimba s church mo(Christian) dedication po db?. Peru po Ung Sa catholic mamsh kailangan po ng baptismal ni baby s school yan. Pa binyag nyo nlng po s catholic then pag ok na s Christian nlng po. Labanan nyo po ang ppd nyo you have a 2 beautiful soul mga babies mo po, look at the brighter side nlng mamsh & pray, pray

Di ako Catholic and wala akong baptismal nakapag aral naman ako.

Mahirap nga sitwasyon mo sis lalo pa spiritual matter ang issue. Niasama mo na ba ang husband mo sa mga sunday services nyo? Sana mabago mo ang pananaw nya. But contrary to our belief na dpat tayo ang susunod sa mga husband natin, ito sabi ng bible: Therefore a man shall leave his father and mother and hold fast to his wife, and the two shall become one flesh - Ephe 5:31.

Thanks po s verse. Im so blessed po 😊

Dapat kayong mag-asawa ang mag-usap ng at walang mkiki-alam...hindi nman sa wala kayong utang n loob pero anak neu yan eh,.dpat yung asawa mo may sarili n ring desisyon hindi yung kung anu desisyon ng magulang nea yun p din,may pamilya na xa dpat marunong n xang magdesisyon pra sa inu ng mga anak mo...mahirap din kc yung nkikitira sa biyenan

Born again din mister ko and im catholic.. Yung asawa ko hindi fan ng rebulto at yung pag sisign of the cross peo nagsisimba kme sa catholic church hindi nlang xa nagsisign of the cross...its the faith nman po eh,hindi kung anung religion meron ka...

Hanggat alam nilang nadedesisyunan p nila ung asawa mo,wala kang magagawa jan...cila yung masusunod hanggat hindi alam ng asawa mo gumawa ng sarili neang desisyon pra sa inu ng mga anak mo

Ganan din po ako.. Ako naman po ang nagpasakop sa asawa ko nagpa convert po ako sa religion nila and naka support naman po ung pamilya ko sakin.. Meron na din po kameng anak na 8 yrs old and now buntis ulit ako..

Anong religion mo mamsh ?

VIP Member

Yan kc ang consequence kapag hindi born again christian ang partner mamsh may mga differences din talaga ... Magkaiba kc ang paniniwala..pagpray mo nalang mamsh God will make a way naman ...

I feel u, ako naman sobrang hirap mag decide.. una kung magpapakasal ako sakanya, tho mahal ko. tapos kung saan ko papabinyagan anak ko. Catholic ako while sya Islam.

Mahirap tlga magdecide at ngayon sobrang sakit s puso tlga... 😭💔

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan