Ako lang ba yung may asawang gamer?

Mahilig kase magvalorant yung asawa ko. Hindi nya maalis sa routine nya araw araw. Masaklap kase lagi napupuyat dahil dun. Lagi pa namin napag aawayan kase alam mo yun hilbis na maalagaan ka o may magawa manlang sa bahay ay puro na laptop kaharap nya para maglaro. Nakakainis na nakakapaumay na pagsabihan siya kase ako lang nagmumukhang masama. Hindi ko rin maiwasang sumama ang loob sa kanya dahil hanggang sa ngayon na kabuwanan ko ay ganun pa rin sya. Hindi nya manlang maintindihan yung side ko na hindi na maganda yung pagkahilig nya sa laro. Dalawa lang kame dito sa bahay pero parang ako lang mag isa. Ni hindi na nga kame nakakapagkwentuhan masyado, di nya manlang mamassage kahit yung paa o likod kase super sakit na at naiiyak ako kase di nya nga manlang magawang kausapin si baby 😭😭 Mabait naman sya, pinagluluto naman nya ko kaso after nun laro na lahat ng time nya, to the point na napupuyat na din ako sa kakalaro nya 😭 di nya manlang maisip na buntis asawa nya at need ko yung presence nya, na di ako mag isa lang dito. Buti sya katabi lang bahay ng magulang nya, samantalang ako malayo. Kaya di ko maiwasang malungkot kase parang nakakulong lang ako dito mag isa. Wala ako kaclose dito at nakakausap, kahit na sya na asawa ko ay halos di ko makausap. Naaawa na ko kay baby kase lagi nalang naiyak mommy nya, ramdam kong nararamdaman nya yun 😭 Madalas naiisip ko na umuwe nalang sa bahay namin kaysa dito, kahit pano feel ko na di ako mag isa. Siguro sobrang babaw lang nito para sa iba kaso sakin masakit na lalo na kung puro ganito. Wala man lang ako mapagsabihan kase ayaw ko masira sya o mag iba tingin sa kanya ng iba 😭

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ganyan din kami ng asawa ko dati grabe sobrang toxic to the point na nag gamer na din ako kahit ayaw ko para lang maintindihan ko sya kasu naging toxic kami muntik kaming maghiwalay buti ngayon di naman na ganyan. ako kasi dati gusto sakin lang atensyon niya haha attention seeker ako pero nagbago din naman habang tumatagal na kami di na kagaya ng dati.

Đọc thêm
1y trước

Nakakapagod emotionally and mentally kase magiging ok ng isang araw kase magsisipag sya kase inaway ko pero di pa rin mawawala yung laro nya. Tas balik sa puyatan na naman 😭😭😭 nakakainis na sobra lagi nalang naabot ng alas kwatro. Ni bebetime na magkayakap sa tulog ay wala na din 😭 tas ako pa masama pag nagalit, ako pa nagtotoyo, ako pa daw ang mentally unstable 😭

Naku mi uwi ka muna sa inyo kaysa ma stress ka sa kanya makaka Sama pa sa baby mo

1y trước

Sinasabe ko na nga sa kanya yan kaso babait bigla at ayaw nya naman 😭 kaloka eto na naman kame ngayon 😭 palala lang ng palala pag pinagbibigyan.