Our Rainbow Baby

Mahaba po talaga 'to at first time magpost😅 Gusto lang namin i-share kung paano kumilos at kumikilos, kung gaano ka-faithful ang Panginoon sa buhay namin simula noon hanggang sa dumating ang anak namin 😊🙏 Matthew 6:33 - But seek ye first the kingdom of God, and His righteousness; and all these things shall be added unto you. Our Rainbow baby, Noah Stefan has arrived❤️ 🏃🏻‍♂️ Noah (Man of Endurance - Philippians 4:13) 👑 Stefan (To Crown - Acts 6:8) 👶🏻 Normal Spontaneous Delivery with Fundal Push 💪 2 hours of active labor tapos ilang ire 😅 🗓️ January 3, 2021 🕤 9:30 am ⚖️ 3 kg 😁 📏 Hindi nasukatan kase tinakbo siya agad sa emergency 🥺 👶🏻 40 weeks and 2 days (Super irregular, PCOS) January 2 ng gabi, nakakaramdam nako ng paghilab ng tyan pero tolerable pa so natulog pa ako tapos madaling araw, humilab uli hanggang sa nagdecide na kame ni husband na pumunta sa paanakan. Pag-IE sakin, 2cm na ako at in-admit na. Grabe labor ko nun. Kitang kita ni husband gaano ako nahihirapan pero pinapalakas niya loob ko. After 2 hours, fully dilated, 10cm na kaya pinunta na ako sa delivery room. Nung andun kame, umiiyak nako kase sabi ko diko na kaya tapos sabi nung nurse na wag muna umire at hintayin si Doc, eh sabi ko nga ang sakit sakit na😅😂 Andun lang si husband sa tabi ko tapos lumipas ang oras at nag aalala na siya kase wala pa si Doc pero sinasabihan pa din niya ako ng mga positive na bagay. Ako naman iyak iyak at nagprapray kay Lord. Kinakausap ko din si Noah na wag ako pahirapan 😅 Tapos ayun nga, dumating na si Doc pero pagod nako kase habang hinihintay ko siya, bawat contractions, iniire ko talaga kase kahit pala sabihin mong wag umire, kapag ikaw na nasa sitwasyon, di mo mapipigilan kase gusto mo na makaraos😅 Nagstart na ang lahat.... Ire, ire, ire hanggang sa wala nako lakas kase wala pa tulog tapos ang malala, nawalan na ng oxygen na tipong nakikita na ugat ko sa noo kase di na ako makahinga tapos pinatigil ako sa pag ire, pahinga muna sabay nag fundal push na. Tahimik ako umire kase kapag galing sa lalamunan, NO NO daw talaga pero nung nag fundal push, napasigaw ako. Sobrang sakit pala nun. Di ko inexpect talaga na ganun ang sakit na mararamdaman na tipong para nakong papatayin sa pagkawala ng hininga ko. Tapos sinabihan ako ni Doc na kailangan ko na malabas si baby kase nakakain na ng poop (isa sa kinatatakutan ng mga buntis), dun umiyak ako lalo at pinagprapray ko kay Lord na bigyan Niya ako ng lakas at wag Niya pabayaan si Noah. Binigay ko talaga buong lakas ko para sa ire at pag-endure sa fundal push hanggang sa napa-THANK YOU, LORD talaga ako kase lumabas na si baby kaso... Wala ako narinig na iyak or ingay. Dun kinabahan ako at umiiyak na tinatawag pangalan ni Noah. Hindi ko siya nakita ng malapitan at nayakap. Naaaninag lang kase hinang hina na talaga ako. Pinapalo siya sa pwet at ganun din sa paa para magreact kaso wala. Nung time na yun, si Lord talaga iniiyakan ko na paiyakin na si Noah na magkaroon na ng reaksyon. Grabe hagulgol ko nun hanggang sa ilang minuto nakalipas at nagdecide na itakbo na sa ER at kasama si husband. Sabi ko kay Lord na Siya na ang bahala sa buhay ni Noah. Binigay ko lahat kay Lord🙏 Lumipas ang 12 days, kahapon, nakauwi na kame at okay mga tests. Sobrang THANK YOU, LORD para sa kabutihan na ginawa Mo samin lalo sa aming anak🙏❤️ #1stimemom #rainbowbaby #miraclebaby #pregnancyjourney #motherhooddiaries

45 Các câu trả lời

pwde ko ba mlman kng ano nangyri sa first baby?rainbow baby sbi mo po kase,preggy dn po kc ako ngayon,sas to say nwala first baby ko,kaya gusto ko lng mkabasa ng kwento😊

bakit po rainbow baby momy? nakunan ba kau before Noah? un po kasi ang ibig sabihin ng "rainbow baby".,a baby after miscarriage po😊 anyways, congrats sa inyo ni baby❤️

Yes po nakunan na po ako nung 2014 po. Super blessed talaga to have another baby kahit struggle din minsan. 😅 Thank you po.

VIP Member

Ako 4days labor, overdue 1day fundal push din at may tahi. nkakain na din poops si baby 😪 1week antibiotics 😔 Jan. 16 ko nalabas bby ko.

Ang tagal ng labor mo mommy pero thank God at nakaraos ka na and safe si baby at ikaw :) Pray lang po😊

VIP Member

So Blessed sa story mo mamshie❤️🙏🏻 Amen! Indeed ganun kabuti ni Lord🥰❤️ hi baby Noah🥰🥰🥰 welcome to the world

be nandito ka din pala sa asianparent 😊❤️ congrats again 😘 9 months mong dinala pero kamuka ni michael 😁

buti kpa nakaraos na be 😊ako 3 months mahigit pa need ko antayin 😁 ok lang maging kamuka ng tatay wag lang ng kapitbahay 😂😂😂

Congratulations! God bless you baby Noah. God has great plans for you ❤️

Thank you so much po. Mabuti talaga ang Panginoon🙏 God bless you po😊

God is Good all the time Mamsh, God Bless and Congratulationss 💞

VIP Member

congrats momsh, napaluha ako sa story mo. Stay healthy baby Noah.

Sobrang tapang nyo po mommy. Congrats po and Praise the Lord!

God is so good all the time! Praise God for Noah's life. ❤️

❤️❤️❤️

Câu hỏi phổ biến