Thank God ! Nakaraos na rin. ! 38 weeks and 3 days. via Normal Delivery EDD: May 4, 2021 Just want to share my experience. Medyo mahaba po. April. 22, naglakad pa kami sa umaga after maglakad nagzumba pa ko. Zumba for pregnant. Sabi kac ng ob kunting tagtag pa lalabas na si baby. 3:00-5:00pm sumasakit na ang balakang pero nawawala din kaya nag observe muna ako kung magtutuloy tuloy ba ang sakit. 5:20 naglakad lakad ulit ng 30 minutes then zumba ulit. Para magtuloy tuloy na talaga dahil gusto ko na talagang makaraos. 7:00pm balakang at puson na sumasakit may interval na rin ang pagsakit pero keri pang tiisin. 8:00pm pumunta na kami ng lyng in, pag IE sakin 4-5cm na ako kaya na admit na rin ako. Nag insert ng eveprim para mapabilis ang paglambot pa ng cervix ko. 10:00pm IE ulit 6-7cm at nag insert ng eve prim ulit. Super sakit na ng balakang at puson ko. Paikli ng paikli ang interval. Feeling ko ang sakit ng labor na yun walang katapusan, grabe feeling ko mahihimatay na ako sa sakit. Yung tipong di ko na alam paano i-handle ang sobrang sakit. Sobrang nanghihina na rin ako. Pray lang ako ng pray at kinausap ko na rin si baby. 12:30 last IE 6-7cm pa rin insert ulit ng eveprim. Nung pinapasok na ako sa delivery room, 30 minutes pa bago pumutok panubigan ko. Dinasalan ako ng ob habang umiire kasi kitang kita niya na nahihirapan din ako. Bawat push ko iniisip ko na gusto ko ng makita si baby kaya pag sinabi na push, pinush ko talaga hanggang sa kaya. 2:21am lumabas na si baby. Habang tinatahi nakatingin lang ako kay baby ko hindi ako makapaniwala na sa wakas nailabas ko din siya ng safe. Kahit na ramdam na ramdam ko yung bawat tusok ng karayom at bawat hila ng sinulid pero nakatingin lang ako kay baby habang sinusukat at tinitimbang siya wala na akong pakialam at pakiramdam na tinatahi ako ng ob. Goodluck sa mga momsh out there na malapit na rin makaraos. The best talaga ang prayer at kausapin si baby. 🙏🏻🙏🏻 #firstbaby #1stimemom
Đọc thêmStock sa 3cm 38 weeks and 1 day, 1 week ng stock pa rin sa 3cm. Nakakafrustrate lang kasi ginawa mo na lahat lahat, walking, jogging, zumba, squats, akyat baba sa hagdan, take ng Eveprim, kumain ng fresh pine apple, nag chuckie, nagsalabat hindi pa rin nadadagdagan cm ko. Gusto ko na talagang makaraos. Sana baby lumabas ka na pls. 🙏🏻 Excited na ako, kami ni papa 😊😍#firstbaby #1stimemom #advicepls
Đọc thêmKagagaling lang sa lying in. 2-3 cm na daw ako. Naeexcite na kinakabahan..Mixed emotions. Pero mas nangingibabaw ang excitement na makita, mahawakan at mayakap si baby. 😊😍 Have a safe delivery sakin at sa lahat ng mommies out there na malapit na rin makaraos. Pray lang! 🙏🏻 Kaya natin to! 💪🏼💪🏼#1stimemom #firstbaby
Đọc thêmAsk ko lang po mga momsh.. safe naman po ito noh? Naubusan kac ng duvadilan at generic ang binigay sa kapatid ko, di ko naman nasabihan na ayoko ng generic.. kaya lang andito na kasi ee. Sino po sa inyo mga momsh ang umiinom ng tulad nito? may side effect po ba?#firstbaby #pregnancy #1stimemom
Đọc thêmHello mga momsh.. Merry Christmas! Bibili sana ako ng progesterone Utrogestan kaya lang wala na daw sabi dun sa pharmacy na binibilhan ko, kaya binigyan niya ako ng ibang brand ng progesterone-Heragest po. Sino po sa inyo mga momsh nagtatake ng same progesterone na binili ko? #firstbaby #1stimemom
Đọc thêm