Masama ba ang usok sa buntis?

Magtatanong lang po ako. Masama ba ang usok para sa buntis? Kasi every other day, magsunog ng basura sa labas mismo ng silid namin ang aking mother in law. Nakitira kasi siya sa amin. Wala kasing garbage truck na papunta sa lugar namin dito sa probinsya. Ang bahay rin namin wala pang ceiling at glass para sa window. So papasok talaga ang usok. Nakiusap na ako na sa likod o sa ibang side ng bahay na lang siya magsusunog ng basura basta lang hindi papasok ang usok kasi makakasama sa akin at sa bata ang usok. Pero ayaw niyang makinig. Marami siyang dahilan at siya pa ang galit. Nagwoworry din ako kasi kapag nanganak na ako paano na lang si baby. 38 weeks preggy na ako ngayon at ito talaga ang pinag aawayan namin ng mother in law ko. Sinabihan din siya ni hubby pero ayaw makinig.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Heheheh mahirap yan may kasama kayong toxic sa bahay. Masama po sa kalusugan nyo kahit po di sa buntis ang usok. It can lead to acute respiratory distress syndrome or respiratory failure specially sa newborn nyo po. Di pa man din fully develop lungs ng newborn hanggang 6mos.