Tulong para kay Baby Amihan
Magandang araw po! Ako po si Joyce Yadao, on behalf of my family, kami po ay buong kababaang-loob na humihingi sa inyong mabuting puso para sa panalangin at sa tulong pinansyal para sa aking anak na si Amihan Yadao, 2months old. Noong Huwebes po, November 25, siya ay may lagnat at biglang nag seizure na sign pala ng kombulsyon kaya agad namin syang pinacheck-up. Ang findings po sa kanya ng kanyang Pedia ay UTI, niresetahan sya ng antibiotics at paracetamol, pero ilang araw pa ay hindi pa rin siya binababaan ng lagnat at hindi umeepekto ang binigay sa kanya na antibiotics at paracetamol kaya isinugod namin siya sa ospital, Ni-refer kami agad sa isang Neurologist, ginawan siya agad ng mga test, pina X-ray, pina Dengue Duo, pina Ct Scan, at kinuhanan ng fluid sa spine para malaman kung anong bacteria ang meron sa kanya para maagapan. Pang 6 na araw namin ngayon, December 01, at na-diagnose sya na mayroong Meningitis. 14days na gamutan at malaking halaga po ang aming kailangan para sa pagpapagamot sa kanya. Kami po ay kumakatok sa inyong mga puso upang matulungan kaming pinansyal dahil napakalaking halaga po ang kakailanganin namin. 🙏 Para po sa mga nais magpa-abot ng tulong, pwede niyo pong isend sa GCash: Tulong para kay Baby Amihan: Gcash - 09493075527 Joyce V. Ang tulong po ninyo at panalangin ay malugod naming pahahalagahan para sa kanyang paggaling. Maraming maraming salamat po at pagpalain po tayong lahat ng Diyos. 🙏🙏🙏 #pleasehelp #firsttimemom #firstbaby