MY Boy&Girl Twin Birth Story😍😍😍 #38weeks5days #boygirltwin #september252020 #NSD
Long post ahead. Gabi ng Sept24, thursday, sumama na pakiramdam ko. Yung tipong parang lalagnatin. Inisip ko na lg na baka signs na nga to na manganganak nako. Friday, sept25 ng madaling araw nagising ako kasi nilagnat na nga talaga ko. Uminom pako ng biogesic nun para mabawasan ung sama ng pakiramdam ko,alam ko hndi na kinaya ng katawan ko yung bigat ng dahil sa kambal e kaya ko nilagnat na talaga. Kinaumagahan, tinanghali ako ng gising mga 9am na yata nun. Kimikirot na ung puson ko na parang kumu connect sa lowerback ko. Naihi ako at nakita ko may dugo na. Ginising ko na dn ung asawa ko at sinabihan na manganganak nako. Bit2 na namin lahat ng gamit since 7mos plg ang tyan ko e nka prepare na lahat nun. Naghilamos na lg dn ako,toothbrush palit ng damit at panty. Larga na agad pa ospital. Mga 930am dating namin sa ospital, ie; 9cm na agad2 . Diretso nako sa delivery room ie ulit 10cm na. Umuungol nako sa sakit, natagalan dn ako manganak ung tipong hndi ko na alam pano umire. Ibang iba compare sa panganay ko. Sa pnganay habang sumasakit ansarap ng iire. Sa kambal ko habang sumasakit, masakit lalo iire eh hahaha. 10am baby girl out. Natagalan pa bago lumabas si baby boy ko. Sobrang hirap na dn kasi umire. Masakit. Nakakapagod.nakakahapo. lalo na't may facemask at faceshield ka pang suot. My gad. 11am lumabas na dn c baby boy ko. Sobrang worth it lahat ng hirap pagod at sakit na naramdaman ko nung nalaman kong safe ko silang naipanganak. Laking pasasalamat ko sa diyos at naging ok lahat lalo nat madalang daw sa twins ang mainormal ipanganak at fullterm sabi ng doctor na nag paanak sakin .. Sa mga manganganak. Dasal lagi, it works talaga mga momsh.. Thank you sa mga nagbasa 😘😘😘 *Babygirl Paula 10:28 am 2600grams *Baby boy Paulo 11:22am 2800grams Edd via Ultrasound: Oct 6 2020 Edd via LMP: Oct 4 2020 DOB: September 25 2020 😍😍😍😍😍
Momma of 3.