SHARING IS CARING

LIP Madalas ko itong mabasa sa mga mommy group na kinabibilangan ko. Akala ko literal na labi ang ibig sabihin nito. Hindi pala. LIVE-IN-PARTNER Yan ang ibig sabihin ng LIP. I’ll go straight to the point. This is my stand. This is the truth. This is God’s standard. Living-in is NEVER God’s will. Regardless kung ito ang convenient, ito ang norm, ito ang ‘parang nag-wowork’, living-in together is not God’s will for us. Hindi ito ang design ng Dios pagdating sa relationship. MARRIAGE is God’s design. Kaya naman wag tayo magugulat kung bakit ibang klase ang hirap at sakit. Huwag na tayo magtaka kung bakit parang ang complicated ng mga bagay-bagay. Why? Because God never intended it to be that way. If living-in is never His will for us, then we are going against His will. Yung makalaban at makasalungat natin ang tao keri lang e, pero yung Dios ang kasalungat natin, ibang usapan yun. So I have 3 important message to all the ladies na may LIP: 1. YOU DESERVE THE BEST. Deserve mong hindi malito kung asawa ka ba, girlfriend, housemate or live-in partner. Deserve mong maiharap sa altar at maisumpang mamahalin habang buhay sa harap ng mga mahal mo sa buhay at sa harap ng Dios. Deserve mo yung napakagandang plano ng Dios sa buhay mo, yes alam kong may plano ka or ang partner mo pero mas perfect ang plano ng Dios. 2. YOU ARE WORTH FIGHTING FOR. Actually you are worth dying for. Jesus died for you. He bought us at a cost—-sarili Niyang buhay. He didn’t save you para mabugbog, mapahiya, malagay sa alanganin at kung ano-ano pa. Ang totoong pag-ibig, ipaglalaban kung ano ang tama at dapat hindi lang sa paningin ng tao kundi lalo na sa paningin ng Dios. 3. OBEDIENCE BRINGS BLESSING. It doesn’t mean na perfect na ang relationship kapag kasal BUT let me tell you this, when we obey God, blessings will come. Yes may mga challenges, may mga pagsubok parin, hindi bed of roses, pero makakasiguro tayo that His grace will see us through so we can have an abundant life and have it to the fullest. I speak this truth in LOVE and in HOPE that we will all embrace God’s design... That we will all experience His awesome and wonderful plan not just today but for the rest of our lives. Life is short. It’s about time to make things right. Madaling sabihin, mahirap gawin, pero posible. It’s never too late to start right with GOD. There’s hope. Virtual hugs mga Inay. ❤️ #UsapangLIP #Jeremiah29:11 #YouDeserveGod’sBest #YouAreWorthFightingFor #ObedienceBringsBlessings

2 Các câu trả lời

Aanhin mo ang kasal pero lolokohin ka lang naman, hindi ba mas kasalanan yung yung may sinumpaan kayo sa harap ng diyos pero di niyo tinupad. Maraming nagpapakasal na para lang sa pera pero hindi nila mahal. Oo isa ako sa may live in partner lang, pero hanggat wala kaming natatapakang tao hindi kasalanan yun.

Yas true. Tsaka wala naman babae ang di gusto ang maikasal eh. Syempre lahat pangarap yan. May iba na nauna nga yung kasal kesa sa pagsasama pero pag nalaman na yung tunay na ugali ng partner nila. Ayun di na makawala. Maski ako mas gugustuhin ko na LIP muna kesa kasal. Anytime naman pwede ikasal kung talagang mahal nyo ang isa't-isa at syempre kung may budget kayo.

Amen 😍😘😙

Câu hỏi phổ biến