Ergina Nicka profile icon
BạcBạc

Ergina Nicka, Philippines

Contributor
Bài đăng(6)
Trả lời(20)
Bài viết(0)

Baby food tip's

Hi mommies. Please take time take time to read this.. Original post from Ms. Bem Chua.. ?????????????????????????????? Hi mommies, eto na po yung notes ko nung TK seminar. Pag pasensyahan niyo na kung medyo magulo brain dump lang lahat yan haha! - 1-2 weeks after a baby is born, wag na lagyan ng mittens para mapractice and hand and eye coordination nila. Malaking factor ito kapag mag stastart na silang mag solids. - Akala ng karamihan kapag ngumunguya na si baby eh ready nang mag solids. May ibang babies na hindi pa kaya kumain pagkatungtong ng 6 months. Hindi po lahat ng babies ay parehas kaya wag po kayo mag worry kung madedelay ang pag start ng solids ni baby. Check for signs of readiness tulad ng kung kaya na bang umupo at kontrolin ni baby ang ulo niya. - Minsan kapag ayaw kumain ni baby subukan niyo sila ilabas. (Hindi sa mga mall kundi sa park) Hayaan niyo sila mag explore, madumihan at madiscover ang iba't ibang textures ng mga bagay bagay sa paligid like leaves, stones, sticks. Sign din daw kasi ng batang nakakulong sa bahay ang pagiging butnutin kaya ayaw kumain. - Eto pinaka nagustuhan ko na sinabi sa seminar. FOLLOW-ON MILK IS NOT NECESSARY according sa World Health Organization. Kapag nag wean na si baby sa pag brebreastfeed, you don’t need to buy them any formula milk like Nido 3+, Bearbrand Jr, etc. Hindi po milk ang kailangan nila kundi CALCIUM which can be found sa mga solid food. Make sure to offer calcium rich food like malunggay. It has 4x the calcium than milk. Magpasalamat tayo dahil napaka abundant ng malunggay dito sa atin at napakamura lang. Iniisip ko nga na kapag nag wean na ba si Sage need pa ba namin siya bilhan ng milk pero mabuti nang hindi na pala, makakatipid na ulit kami lalo haha thank God natutunan ko to sa seminar at napanatag ang loob ko. - 1-3 years old pinaka nag pepeak ang sakit dahil age of exploration nila ito kaya dapat mas pinapabreastfeed natin sila para lumakas lalo ang immune system nila. - Make eating time a fun and stress free environment. Babies can feel when there’s tension. Introduce cognitive activities while eating like counting or teaching them different colors & shapes. In our case, we bought Sage a table na may design na numbers and alphabet kaya sa tuwing kakain siya tinuturuan din naming siya mag count kaya naeenjoy niya lalo ang meal time. :) - May emotional effect po sa bata ang pag foforce feed. Madalas ito mangyari kapag naiiwan si baby sa caregiver. Educate them na kapag ayaw ng bata sumubo wag pilitin, try ang try lang after every 2 hours. Mas ok nang naka isa o dalawang subo every 2 hours kesa walang laman ang tiyan nila the whole day. Mas mainam ang small and frequent meals kesa isang kainan ng madami. Hindi kailangang lagi ubos ang pagkain na nasa plato. Again, not all babies are the same. Some may finish their food in one sitting while others may take a few hours. Learn to know the queues of your child nang sa ganun ay sakto lang ang maihain niyong food sa kanila. - As long as they are eating healthy, it’s ok kahit di mataba si baby. Nakaugalian na kasi na kapag mataba ay healthy na agad. Nasa lahi din po ng parents yan kung tabain ba o hindi. Tandaan na hindi lahat ng mataba ay healthy at hindi lahat ng payat ay sakitin. - Sugar is highly addicting, hindi ito naiiba ng epekto gaya ng sigarilyo at drugs sa atin that’s why it’s not advisable to offer your baby sweets below 2 years old. Kapag nasobrahan sa sugar eh tataas ang sugar level ng isang tao then eventually magdedecrease kaya nga diba kapag nag susugar rush ka eh ang hyper hyper pero di magtatanggal bababa ang energy level mo. - High chair is not a must. Kung pagiging practical lang din, pwede na sa pinatong patong na monoblock chairs then i-assist na lang si baby habang nakaupo. - Normal lang na makalat sa tuwing kakain si baby. Wag mafrustrate dahil minsan nakakalimutan natin na babies sila. Maging pasensyoso at linisin na lang ang kalat after kumain. Embrace the mess. :D - No forms of distractions sa tuwing kakain. Turn off the tv, iligpit ang toys or gadgets. Ilapag ang pagkain sa mesa at hindi sa harapan ng tv. Nalilihis ang concentration ng bata kapag ganun kaya kung mapapansin niyo minsan na nakababad na lang sa loob ng bunganga nila yung food kasi ang concentration nila nasa tv instead na nasa pagkain. - Kapag nag 1 year old na si baby pwede na sila bigyan ng sarili nilang cup para matuto sila uminom ng tubig mag isa. Yung maliit na baso lang para shallow at madali dumaloy yung tubig sa tuwing iinom sila. - Eto ang pinaka madalas kong napapansin sa mga bata ngayon. Sila ang kumokontrol sa mga magulang nila kung anong pagkain ang gusto nila ipabili like hotdogs, ham, etc. Hindi dapat ganun, tayong mga magulang ang dapat na nagdedesisyon kung ano ang ihahanda at ipapakain sa kanila. Wag silang tanungin kung ano ang gusto nilang kainin sa halip sanayin sila na kung ano lang ang nasa hapag kainan yun lang ang dapat na kainin. Bilang mga magulang obligasyon natin na hainan sila ng masusustansyang pagkain. - Wag na wag susuhulan ang bata para lang kumain. Eto madalas ang ginagawa ng karamihan kaya naiispoiled ang mga bata at di nila naaappreciate ang tunay na essence ng pag kain. - Kapag sabay sabay kayong kakain, wag na wag kayong magtatalo mag asawa sa hapag kainan. It will create a negative impression sa bata hanggang sa paglaki nila. Or kahit mag discuss about money or any other problems is a big no no. - Junk foods like chips, biscuits, softdrinks, commercial baby food, etc. are dangerous for your child’s health dahil puno ito ng msg, sugar, salt at iba pang preservatives na pwedeng makapinsala sa kanilang musmos na organs. Isa pang effect nito ay ang pagtanggi ng bata sa natural na pagkain, obesity, diabetes at iba pang sakit. - Artificial vitamins are not necessary kung wala namang vitamin deficiency ang bata. Doble trabaho lang po ito sa liver nila sa pag proproseso ng synthetic vitamins. - Food should be mashed not pureed. Dapat po may texture para matuto pong makarecognize ng different textures si baby at makakatulong ito sa pagkatuto nila magsalita in the long run. - Its ok to follow or not follow the 3-day rule. - Mas ok po na bumili ng buong prutas sa palengke kesa yung mga chopped na nasa groceries dahil iniispray-an nila ito ng chemical para tumagal ang freshness at hindi natin alam kung malinis ba ang tubig na pinang banlaw nila sa mga yun. - Nakita ko yung post ni mommy Joselle nung nakaraan about sa Miswa kasi ang ingredients nun ay flour, water at salt kaya tinanong ko yung about dun nung seminar at chenenenen! Maalat po pala sobra ang miswa kaya pang 1 year old above na po pala ito dapat i-offer. Salamat mommy Joselle sa pag post nun at least alam na nating lahat hehe. Eto po ang iilan sa mga pagkain na kasama sa Tamang Kain. (Mga locally grown food) - Talong - Pipino - Kalabasa - Papaya - Okra - Kamote - Buko - Saging - Mais (White Corn instead na yellow dahil nilalagyan po ng food coloring yung iba para magmukhang matingkad) - Brown/Red Rice - Mangga - Kalamansi - Malunggay - Munggo - Sayote - Patola Basta lahat po ng nasa kantang Bahay Kubo eh locally grown food at pwede i-offer kay baby except sa mani dahil malakas poi to maka-cause ng allergy. Tsaka na po kapag 1 year old pataas na. Mga di po kasali sa TK na hindi alam ng karamihan (gaya ko nung una haha) - Apple - Grapes - Strawberries - Blueberries - Rolled Oats - Cream Dory - Dairy Products (milk, cheese, yogurt) - Basta mga iniimport na vegetables at fruits galing sa ibang bansa papunta dito sa atin ay hindi kasali sa TK dahil may mga preservatives nang nilagay doon para mapanatili ang freshness hanggang sa pagdating dito sa Pinas. So far yan lang ang maishashare kong notes ko, madami pa pong info ang nasa hand out na binigay sa amin na hindi na pwedeng i-share gusto ko na nga sanang ipaframe kasi magagamit niyo yung information dun habang buhay at pwede niyong ipasa sa ka-apo apohan niyo hahaha! Kaya I encourage mommies na di pa nakakaattend na umattend sa future TK seminars, hinding hindi po kayo mag sisisi sobrang worth it ang dami niyo pong matututunan kahit ako nawindang sa mga natutunan ko haha! Inapply namin ni hubby yung mga natutunan namin at grabe, effective siya mas napabuti ang style ng pagpapakain namin kay Sage. :) P.S Ang group po na ito ay hindi solely TK ang sinusunod kasi hindi naman po sa atin yung Tamang Kain, sa BFP po yun kaya halo halo po ang shinashare na recipes here sa group. Mapa-TK or Baby-Led Weaning, spoon feeding or offering your babies finger food, ang importante healthy food ang pinapakain natin sa babies natin at hindi yung mga commercial baby food. Baka lang kasi mag cause ng confusion sa inyo hehe. At the end of the day kayo pa din po bahala kung anong style ang susundin niyo sa pagpapakain sa lo's niyo :) Credit Mamsh Yhen Nones

Đọc thêm
Thành viên VIP
 profile icon
Viết phản hồi

Nanay

Yung pagiging tatay parang ang dali sukatin no? Pagkaing sapat, ok na. Minsan nga kahit nambabae basta hindi pabayaan ang anak, mabuting ama na. Pero ang nanay? Makita lang madungis ang anak, masamang ina na. Mababa lang ang grade masamang ina na. Nag tantrums sa mall ang bata, masamang ina na. Paano mo nga ba masasabi na mabuti ang isang ina? Nasusukat ba sa timbang ng anak? Mas mataas na timbang, mas ok? O sa pagkakasakit ng anak? Why does it feel like you are less of a mom kapag may sakit ang anak mo? Parang ang pabaya mong ina. At kahit anong puyat mo at overtime sa pag aalaga, hindi ma offset offset yung pakiramdam na nagpabaya ka. Baka sa grades, or kung honor o hindi ang anak. Pag may honor, ibig sabihin may award din si mommy. Best mom award? Pero kahit anong gawin mo, talagang hindi ma honor ang anak mo, worst mom award ka na? Ganun ba yun?!? Paano nga ba? Ano ba ang indicator para masabi na mabuti kang ina? May points system ba? Kada sigaw minus one? Kada bili ng toy plus one? Kada mapakain mo ng nasa oras plus one? Kapag nag gadget minus minus agad. May merit system parang sa trabaho? Pero yung buti pa yung nag ta trabaho no? Pwede mag sick leave, ang nanay hindi. Buti pa yung nag wowork pag nasobrahan sa performance, may award.. sa pagiging ina, kapag nasobrahan ka sa performance, minsan mas nakakasama pa sa mga bata. Pero paano nga ba? Ano yung sobra? Ano yung sapat na? Ano yung kulang? Ang hirap di ba? At madalas kakahanap ng sagot kung paano tayo magiging mabuting ina, sarili natin hindi na natin makilala. Some will say it gets easy.. pero hindi it’s a never ending question of: “tama ba ang ginagawa ko para sa anak ko?” As they grow older, iba iba na yung haharapin mo. From simple issue ng kabag to pinaka ok na toy to paano makikipag socialize to baka maaga mag gf/bf to kakayanin ba nila ang real life.. at marami pa.. And there will always come a point na kukwestyunin mo ang sarili mo “saan ba ako nagkulang?” Nakakakaiyak yung moment na yan, nakaka durog ng puso lalo kapag may nakita kang pagkakamali sa anak mo.. maiisip mo naging mabuti ka ba talagang ina? Ano bang nagawa mong mali? Hindi masaya.. hindi ok sa pakiramdam. At hindi rin naman maganda na ikaw mismo, sarili mo mismo, nagdududa sa performance mo. And if right now you are feeling this. Na nag da doubt ka sa pagiging mabuti mong ina, let me be the one to say this to you, MABUTI KANG INA. You are doing an awesome job as a mother. Inhale exhale, yung nangyari kanina, o yung pagsigaw mo kahapon, o yung mababang grade ng anak mo, o yung pag aaway ng mga anak mo, malalagpasan nyo din yan. Inhale exhale and dont be too hard on yourself. Try to remember all the things that makes you happy as a mom.. mga tawanan na walang humpay? Yung sigaw nila tuwing makikipag habulan ka. Yung ningning ng mata nila pagdating sa bahay galing sa school. Focus on beautiful things not on your guilt. And remember hindi ka nag iisa. CTTO -Mommy Phepot-

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi

Cass Brion - Bibong Pinay

LIBRENG KASAL Last week nag-blog ako about LIP (Live-In-Partner). Controversial at maselan daw ang topic na yun (alam ko naman) at talagang maraming confused pagdating sa usapang MARRIAGE. Kaya ako napa-blog regarding that topic ay dahil narin sa maraming kababaihan ang nagsusulat sakin tungkol sa sitwasyon nila bilang LIP. At sa pagnanais kong bigyan sila ng hope at clarity mula sa usaping yun, minabuti ko ng ibunyag ang katotohanang pinaninindigan ko. Yes! Its not an opinion, its the truth from His word. Again, that blog was not meant to judge, demean, condemn or offend kung sino man ang andun sa ganung situation. Hindi ko din pinipilit ang sinoman na magpakasal. ? Ang sakin lang e, maituwid ang ‘distorted truth’ ng ating society pagdating sa usapin na yun. Nirerespeto ko kayo pati narin ang decision nyo but it doesn’t mean na sumasangayon ako ☺️ (O siya sa prisinto nako magpaliwanag!!!?) Anyway, yun na nga. Umani ng maraming comments ang post kong yun... 1. 20% of them shared their transformation story from being a LIP to becoming a wifey. Such a beautiful testimony! 2. 30% of them ay malungkot dahil waiting pa sila na makasal. 3. 45% of them ay super agree sa pinupunto ko. 4. 5% of them naman ay confused o kaya ay hindi agree sa post ko. Dahil katulong at kasama ko ang asawa ko sa pagsagot sa mga comments, nag-offer siya ng LIBRENG KASAL para sa mga gustong itama ang mga relasyon nila sa mata ng Dios. SERYOSO PO SIYA/KAMI DITO. Sa totoo lang, sa mahigit 7 years ng pagsasama namin ni Mark, marami-rami narin talaga siyang naikasal ng libre. Yes libre! Hindi siya naningil ng talent fee (parang singer eh noh), professional fee or kahit love gift. Bakit? Kasi we love building lives. PERO BAGO NYO PO I-AVAIL ANG LIBRENG KASAL NA INO-OFFER NAMIN ITO PO ANG IILAN SA NAIS NAMING IPAALALA SA INYO: 1. HINDI KASAL ANG SAGOT. Si Hesus ang sagot. Ang iba sa atin iniisip na kasal ang kukumpleto at magbibigay ng fulfillment sa atin. Hindi Bes. Jesus alone can complete and fulfill us. Kaya bago magpakasal, siguraduhing malinaw sayo na si Hesus ultimately ang kailangan mo at secondary nalang ang makakasama sa buhay. 2. HINDI BASTA-BASTA ANG PAGPAPAKASAL. Ang pagpapakasal ang isa sa pinaka-mahalagang decision na gagawin mo sa buhay mo. Pag nagkamali tayo sa taong papakasalan natin we will be wrong for the rest of our lives. Kaya naman bago pumasok sa relationship siguraduhing si Lord ang pumili ng pakakasalan mo at hindi ikaw. Wag magpabuntis, wag makipag-livein para malaman kung siya ba talaga ang dapat. Hindi mo dun makikita ang sagot. Nasaan ang sagot? Na kay Lord. Paano mo malalaman? Seek Him. Yes! Seek Him with all your heart, you will find Him. At pag natagpuan mo Siya, madali mo nalang malalaman kung sino ang hinanda Niya na sadyang para sayo. 3. HINDI MAGIC ANG KASAL. Hindi porket nagpakasal tayo e automatic smooth ang pagsasama. Automatic ‘happily ever after’. Automatic walang heartaches at walang conflict. NO. Marriage is hardwork. You have to choose LOVE always... whatever it takes. Kaya no wonder may mga naghihiwalay kahit kasal kasi again, pinaghihirapan ito ng couple. Yung ilagay si Lord bilang center at head ng marriage natin aba mahirap yun. Kaya wag tayo kampante na after ng kasalan #mayforever na. Make Jesus the LORD of our lives and marriage then work hard on it then doon lang magkakaroon ng #forever. Hindi kailangang magarbo at bongga ang kasal. Wag tayo ma-pressure sa ganda ng kasal ng iba. Kahit gaano pa ka-simple ang isang kasalan, memorable parin yan dahil yan ang araw na sinumpa mo sa harap ng Dios at tao na magmamahalan kayo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, sa sakit at kalusugan. OBEDIENCE TO GOD BRINGS BLESSING. Hindi lang financial or material blessing mga Bes ha? Its more than that! Mahirap ipaliwanag. Abundant life kahit hindi limpak-limpak ang salapi. May kapayapaan ka. May ligaya sa puso mo kahit enough lang ang meron kayo. Inspiration ka sa mga tao sa paligid mo. Yan at marami pang iba! So pano na? See you soon? ? ***Napa-blog ako tungkol dito kasi may nagpost daw samin sa isang group. Marami daw interested sa libreng kasal ? Naisip ko lang, sana ang mga local churches meron ganitong offer sa community nila. Yung tipong kasalang bayan ang dating. Sabay-sabay ang premarital counselling tapos sabay-sabay ang kasalan. Wala ng bayad sa venue, sagot na ng local church at wala na ding bayad ang magkakasal. Tapos kanya-kanya nalang kain at celebrate sa labas. Tapos itong mga couple na bagong kasal, para masiguro na tatagal ang pagsasama nila, magjjoin sila sa isang local church para maalagaan sila. ANG SARAP MANGARAP! Sana may gumawa at makaisip nito! Kasi kami ni Mark interesado sa initiative na ito. Magsisimula kami sa mga couples around our area (San Pedro, Muntinlupa, Biñan, Sta. Rosa). Pwede diba? ? #LibrengKasal #UsapangMarriage #ObedienceBringsBlessing Si Mamsh Cass Brion ang gumawa niyan. Share ko lng po. Pwede nyo siya hanapin sa fb

Đọc thêm
Thành viên VIP
 profile icon
Viết phản hồi

SHARING IS CARING

LIP Madalas ko itong mabasa sa mga mommy group na kinabibilangan ko. Akala ko literal na labi ang ibig sabihin nito. Hindi pala. LIVE-IN-PARTNER Yan ang ibig sabihin ng LIP. I’ll go straight to the point. This is my stand. This is the truth. This is God’s standard. Living-in is NEVER God’s will. Regardless kung ito ang convenient, ito ang norm, ito ang ‘parang nag-wowork’, living-in together is not God’s will for us. Hindi ito ang design ng Dios pagdating sa relationship. MARRIAGE is God’s design. Kaya naman wag tayo magugulat kung bakit ibang klase ang hirap at sakit. Huwag na tayo magtaka kung bakit parang ang complicated ng mga bagay-bagay. Why? Because God never intended it to be that way. If living-in is never His will for us, then we are going against His will. Yung makalaban at makasalungat natin ang tao keri lang e, pero yung Dios ang kasalungat natin, ibang usapan yun. So I have 3 important message to all the ladies na may LIP: 1. YOU DESERVE THE BEST. Deserve mong hindi malito kung asawa ka ba, girlfriend, housemate or live-in partner. Deserve mong maiharap sa altar at maisumpang mamahalin habang buhay sa harap ng mga mahal mo sa buhay at sa harap ng Dios. Deserve mo yung napakagandang plano ng Dios sa buhay mo, yes alam kong may plano ka or ang partner mo pero mas perfect ang plano ng Dios. 2. YOU ARE WORTH FIGHTING FOR. Actually you are worth dying for. Jesus died for you. He bought us at a cost—-sarili Niyang buhay. He didn’t save you para mabugbog, mapahiya, malagay sa alanganin at kung ano-ano pa. Ang totoong pag-ibig, ipaglalaban kung ano ang tama at dapat hindi lang sa paningin ng tao kundi lalo na sa paningin ng Dios. 3. OBEDIENCE BRINGS BLESSING. It doesn’t mean na perfect na ang relationship kapag kasal BUT let me tell you this, when we obey God, blessings will come. Yes may mga challenges, may mga pagsubok parin, hindi bed of roses, pero makakasiguro tayo that His grace will see us through so we can have an abundant life and have it to the fullest. I speak this truth in LOVE and in HOPE that we will all embrace God’s design... That we will all experience His awesome and wonderful plan not just today but for the rest of our lives. Life is short. It’s about time to make things right. Madaling sabihin, mahirap gawin, pero posible. It’s never too late to start right with GOD. There’s hope. Virtual hugs mga Inay. ❤️ #UsapangLIP #Jeremiah29:11 #YouDeserveGod’sBest #YouAreWorthFightingFor #ObedienceBringsBlessings

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi