RANT ABOUT PRIORITY LANES/SEATS LOGO

Last day, nakapila ako sa priority lane ng isang grocery store, lahat ng nauna sakin puro buntis and i am the 3rd (last) in line. Napansin ko na medyo nagiging crowded na ang cashier, dumadami at humahaba na ang pila sa ibang lane, so kapansin pansin na maikli ang pila sa priority lane kaya nagsi pila sa likod ko ang mga makakapal na mukha na abled-person even though naka paskil na sa harap ng counter that the lane is for priority persons only, bulag-bulagan ang hinayupak. Napansin yun ng kahera and she kept on saying politely "para lang po sa buntis, senior at pwd ito". Take note, paulit ulit nya nang sinasabi yan pero yung ale na nasa likod ko and the rest na nakapila, dedma lang. I somehow noticed a pregnant lady at the end of the line kaya bago ako matapos sa cashier, sinabihan ko yung kahera, "miss, may buntis na nakapila sa dulo, unahin mo yun." i heard na lang na tinawag sya ng kahera (kudos sayo ate). Nung hindi pa ako buntis, i honestly avoid using the priority seats when riding a bus or the priority lanes in the cashier. Para sakin, nakaka hiyang gumamit ng privilege na hindi ko naman deserve at naiinis ako everytime na nakakakita ako ng ibang capable na tao na sinasamamtala ang mga priority lanes/seats. Now that im pregnant, i am boldly using that privilege and sobrang thankful ako dhil malaking tulong at kaginhawaan to para sa mga buntis na tulad ko especially now that my tummy is bulging and my body is getting heavier that even standing for a longer time tires me. Its just sad that other people aren't considerate enough, or maybe they're just too stupid that they can't even follow a simple rule or courtesy. Afterall, lahat naman tayo makakagamit ng privilege na yun pag nagsipag tanda na tayo, lalaki man o babae. ?‍♀️ Watya think mga momsh?

42 Các câu trả lời

Kanina lng ganyan din sa LBC yung matabang babae kumuha ng pang priority lane porke malaki ang tyan di naman sa pag jujudge pero d talaga sya buntis kumuha lng sya ng pang priority na # para mauna, ako naman pagka ganyan tinitignan ko muna kung may pila pang buntis pag wala edi pila ako ng pang normal kahit mahaba pa yan minsan ung mga kahera nlng nakakapansin at inuuna ako kc nga buntis

Yes, that's the right attitude sis..

Totoo yan. May mga tao talaga na hindi mo alam kung hindi nagbabasa or walang consideration sa katawan. Mabuti nalang yung ibang cashier mas priority nila kung sino lang tlaga dapat. Ang kakapal ng mukha ng karamihan even boys sige sa pila tpos kht nkikita na buntis ka di ka pauunahin kahit na priority lane tlaga. Ay nako. Minsan di ka nalang mkkpg talo keysa ma stress ka.

Ako din sis never ako gumamit ng priority lane kung d naman ako belong dn..khit nga minsan nung preggy ako sa sss office pinapauna na ko kaso nahiya ako se may mga nauna saken kako para fair nlng.. pero sa iba tlg nagagamit ko sya pumipila ako nung preggy ako ung iba kase walang pakundangan.. lalo ung iba na belong dun ang nasa hulihan pa imbes na paunahin

Its true it tires us preggy though at times I am much capable of waiting pero ngaun kc n buntis ako tapos maselan pko magbuntis started at 8weeks once n nasa mall nako hnahanap ko n tlga ung priority lane. I will never forget being courteous, after giving birth back to normal lane naman na ko. Its just for now and I think its not selfish at all. ❤

may mga tao po talaga na walang pakialam basta po hindi nila kamag anak..hindi nila kasama..saken naman hindi sa mga priority lane kundi sa elevator ng ospital..ang laki na ng tyan ko tapos yung mga bagong sumakay talagang sinisiksik ako at walang pakialam kahit na mabangga nila yung tyan ko..talagang sumisiksik pa..nakakainis lang..

VIP Member

Nku momsh walang since ung priority lanes na yan....dahil hndi nmn na susunod kahit saan grcery..dedma lng sadya my mga tao wlang pkiramdam..kaya nkkayamot minsan...imagine ang hndi mga buntis nkapila dun sa counter na dapat para sa mga buntis at mttanda..pero sadya ang mga pinoy ay wlang dsiplina sa srili...nkkalungkot nga lng...

Un nga po...pinoy nga nman matitigas ang ulo😓

yung pumila ako sa isang fast food chain sa priority lane tapos sinabihan ako na for senior pwd at pregnant lng po.. e 6mos n tyan ko non😅 mukha atang busog lng ako kya di napansin ng cashier🤣 sabi ko na lang yes kaya andto ako ksi preggy ako, tinitigan pa niya tyan ko anu sinungaling lng ba peg ko hahaha.. skl

kelangan ata dala mo prenatal booklet kht san to prove na preggy ka😂🤣

Ganyan naman dapat sis. Nakakahiya naman talaga gumamit ng previlage ng iba. Ako nga kahit malapit na manganak minsan kapag punuan sa lrt natayo na talaga ako eh. Ayoko magobliga ng "hoy priority ako, ako paupuin mo" putsa nakakagigil mga ganung babae magpopost pa na wala nadaw gentleman 😂😂😂

VIP Member

Oo ako nga dti nung maliit p tyan ko kng kaya ko nmn di mgpriority lane. Wag nlng mas maraming nangangailangan like ung super matanda o ung malalaki n ung tyan. May mga tao tlgang wlang pakiramdam. Ok lng nmn pumila s priority lane kng ung cashier n tlga ung ngtawag at wla nmn nakapila tlga dun

You got that right sis! I even stand during bus ride when i was 2 mos pregnant, kasi wala rin namang maniniwala na buntis ako dahil sa liit pa ng tyan ko. Kaya hindi ko magets kung saan kumukuha ng kapal ng mukha yung ibang tao.

may mga ganyan talagang Tao .minsan pa mag kukunwaring buntis makaupo Lang sa priority chair Ng bus Yun na e experience ko everyday nung nag babyahe ako sa work. minsan ikaw nlng mahihiya sakanila ikaw nlng tatayo pero si na pwde sakin Yun 8months na tyan ko kakapagod na tumayo Ng matagal.

Sa mga bus, required talaga na sa harap paupuin ang nga priority dahil pag nakita ng mga taga mmda/police na abled person yung mga nakaupo dun, titicketan nila yung bus driver at konduktor. Nalaman ko lang din yan sa isang konduktor ng bus.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan