Tanga
Lagi ko pong iniiyakan yung katangahan kong nabuntis ako at the young age. Sobrang nahihirapan akong aminin sa parents ko about dito. Andami namin pangarap dahil nakapag tapos ako ng kolehiyo. Lahat nag laho ng parang bula. Kawawa po yung mga taong umaasa saken lalo na lola ko. Need hug from God. Sobrang bigat po ?
Same lang 2 yrs pala since I graduate lahat umaasa na magpapaka success muna ako. But then God has a plan I got pregnant and got married (I resigned sa work pero kung di sana ako nag resign promoted to supervisor narin sana ako). Pero Go lang ako sa flow ng plans ni Lord for me. Now yung hubby ko paalis na ng canada. Yung success nyan alam ko soon for us.
Đọc thêmHindi naman ibig sabihin nun hindi mo na matutupad mga pangarap mo siguro mapopostpone lang. Ako balak ko din mag abroad this year kaso nabuntis ako ngayon mas lalo ako namomotivate na ituloy pag aabroad ko paglabas ng baby para mabigyan ko sya ng magandang future. Gawin mong motivation baby mo para lalo ka mainspire na tupadin mga pangarap mo.
Đọc thêmMahirap mami, kasi ako di nakapag tapos ng college but anyways, we have our own battle field but we only have one shield which is God and we all know that God knows what he's doing. Let's trust Him and God bless our babies. ❤️🤰😍 He knows that you can handle it mami.
Hindi naman nawala ung pangarap mo/nio. Andun pa din. Nag detour ka lang muna. Kung dati ang inspiration mo is parents/lola mo. Mas ma inspire ka na ngayon na mas maging successful dahil sa baby mo. Unless hanggang ngayon di mo pa din sia tanggap.
Nagpahinga ka lang naman saglit. Hindi naman habang buhay ganyan ka na. Di ka hahayaan ni Lord ako nga grumaduate 4 months ang tyan ko ngayong 6 months na tyan ko nagrereview pa ko para sa board exam
Face it, di ka man nila matatanggap ngayon but eventually they will soon. Kaya mo po yan mommy, marami pang mas mabigat na struggles ang pagdadaanan mo in the future, keep strong po.
Sabihin mo . 9months mo lang naman iindahin yan . Di naman naputol pangarap mo . nadelay lang .. Kaya tiwala lang .. Child is a blessing .. Yan palagi mong tatatandaan