Tanga

Lagi ko pong iniiyakan yung katangahan kong nabuntis ako at the young age. Sobrang nahihirapan akong aminin sa parents ko about dito. Andami namin pangarap dahil nakapag tapos ako ng kolehiyo. Lahat nag laho ng parang bula. Kawawa po yung mga taong umaasa saken lalo na lola ko. Need hug from God. Sobrang bigat po ?

17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Dumaan din ako jan mommy. Oo mahirap pero lilipas din yan. Ako nga pinapakuha na ko ng passport ng ate ko balak nya ko kunin sa Japan kaso ayun, nabuntis din ako at natanggal pa ko sa religion namin. Alam mo ba 5 months kong tinago sa parents ko na buntis ako. Nagrerent lang ako ng apartment non, first few months nauwi pa ko samn. Pero nung mej halata na baby bump ko hindi na ko nauwi samn. Hanggang sa lagi na kong chinachat nila mommy hindi ko nirereplyan. Ilang buwan akong umiyak, ilang buwan kong inisip kung ano gagawin ko, pero naisip ko, kahit gano katagal kong itago, malalaman at malalaman pa rin naman nila. Hanggang sa hinintay kong makapagpaultrasound ako, tsaka ko sinabi sa kanila. Sa ate ko muna ako nagsabi, dahil hindi ko pa kaya tanggapin kung ano magiging reaksyon ng mga magulang ko. Ilang araw sinabi ko rin. Natanggap naman nila at inaalagaan nila ko pag nauwi ako samn. Okay lang yan. Iready mo ang sarili mo hanggat sa kaya mo na sabihin. Pero isipin mo lang, the longer you wait, the longer the agony. Di mo man expected si baby, pero napakalaking blessing nyan. Pray ka lang mamsh. Stay strong. 😘

Đọc thêm

I was crying nung nalaman kong buntis ako. Malapit na matapos yung papers ko para magturo sa Japan. Dream namin yun ng kapatid ko, kasi andun sya as teacher, she even moved to a bigger room para pagdating ko may bigger space kami, may boss and future colleagues were already planning for a welcome party. I got pregnant. It was my dream job. My dream country. But I've always prayed to God, sabi ko ,"kung alam mong hindi ko kakayanin sa ibang bansa, give me a reason to stay". I think baby was the reason. I didn't have enough inspiration before, gusto ko lang dun kasi Japan is a beautiful country at malaki yung offer sakin. But I needed a more purposeful reason to leave. And God didn't fail me. The next time na mag aaply ako at matuloy sa ibang bansa, may bigger reason na ako to work hard :) at si Baby ko yun :)! Your dreams to don't cease dahil meron ka ng baby, mas meron ka ng magandang reason para ipursue mo dream mo :))

Đọc thêm
Thành viên VIP

Buti nga po kayo nakapagkolehiyo. I’m 16 years old palang po and currently 8 months preggy. Nung una sobrang hirap sabihin kasi ako inaasahan ng magulang ko pati yung hubby ko but little by little natatanggap na ako kasi blessing yan and wala ka nang magagawa dahil meron na si baby. Halos lagi kong iniisip na disappointment ako sa fam and friends ko lalo na rin po sa mga kachurchmates ko dahil nagsosong lead na ako sa church. Ngayon sobrang excited na nila makita yung baby ko. It takes time naman po para matanggap nila e. Sa una lang po talaga napakahirap pero worth it naman pag meron na si baby. Ipagpapatuloy ko yung pag aaral ko after ko mangananak hihi. Trust ka lang po kay God. May purpose ang lahat kung bat nangyayari yan. 🥰

Đọc thêm

Alam mo di mo dapat sinasabi yan na lahat naglaho ng parang bula. Lalo nat andyan na at blessing yan ni Lord. Info lang po, wag na wag mong ipaparamdam na nagsisisi ka dahil nabuntis ka kasi totoo na kapag lumaki sa sama ng loob ang baby magiging sakitin sya. lalo na kapag tinago. tapos kung kelan mo na tanggap at tanggap ng ibang tao doon mo lang maiisip lahat. saka andyan na. oo may pangarap ka. pero gawin mong motivation magiging baby mo para maachieve mo goalso sa buhay. swerte ka girl kasi yung iba gustong magkaanak pero di mabiyayaan. ingatan mo at alagaan yang dala dala mo mahirap na baka pagsisihan mo lalo sa huli.

Đọc thêm

Don't stop chasing your dreams po. Same po tayo, college graduate and nagsisimula pa lang po tumulong sa family then dumating itong blessings na to. At first, super takot at hiya nararamdaman ko sa parents ko kasi panganay ako at ang dami nilang pangarap sakin. Nadissapoint ko sila. But then, walang ibang makakatulong din sa atin kung hindi sila. Ayun, they accept na lang po. And sabi ko sa kanila na hindi pa naman po tapos ang pagsukli ko sa lahat ng sacrifices nila for me. And eto po, nagiging maayos naman po. Thank God I'm so blessed with my parents.

Đọc thêm

Same here buntis ako nung grumaduate ng college.. Panganay ako Tapos nabuntis pa. Tapos ang dami naming Plano ng family ko kaso naglaho na lang yun. For now, aminin MO sa kanila tanggapin mo yung mga masasakit na salita galing sa kanila. Di ka naman nila matitiis at walang kasalanan ang baby.. Ako kahit nabuntis I'm happy kasi di ko pinagsisihan na pinagpatuloy ko ung pagbubuntis ko without saying to my parents. Pero nung tumagal nalaman din Nila. Sa ngayon I'm happy kasi may anghel na nagpapasaya ng araw ko.. At kinagigiliwan ng mga magulang ko

Đọc thêm
5y trước

Ask help to God to guide you. Be brave and face the consequences

Pwede mo pa namang ituloy yung mga pangarap mo sayo at sa family mo. Wag mong isiping magiging hadlang si baby mo. Siya gawin mong inspirasyin ngayon para makamit uli yun. Wag kang mawawalan ng pagasa sis. Di yan ibibigay sayo ni Lord ng wala lang. Everything happens for a reason, di mo pa man malaman or marealize yung rason niyo kung bakit nangyari yan, eventually marerealize mo at makikita yun. Sa ngayon mahihirapan sila at ikaw. Magpray ka lang tutulungan ka Niya! God bless sis! He got your back! 🤗😊

Đọc thêm
Thành viên VIP

Lagi mo na lang isipin everything happens for a reason. May dahilan ang lahat, at hindi yan dahilan para di mo maabot mga pangarap mo at pangarap ng ibang tao sayo. Gawing mong motivation si baby para maging mas maayos ang pananaw mo sa buhay, kaya mo yan Mommy, kapag nakita mo si Baby sigurado mahahappy ka dahil sobrang blessing siya sayo. God bless mommy, always pray lang. Tiwala lang ♥️

Đọc thêm

Ako rin po sa simula sis inisip ko agad ssbhn nh parents ko, ng family ko.. late ko narin nalaman na pregnant na ako. College graduate na ako, board passer nrin, nakapag work na ng 1yr. Pero disappointed prin sla skin dhil ako lang daw inaasahan nlang mkakatulong, naawa ako sa parents ko di nlang ako umimik, alam kong plano 'to ni Lord pra gawing inspirasyon sya sa tatahakin ko pang landas. 😊

Đọc thêm
5y trước

Same here ang pinagkaiba lang po wala pa akong work..

Ganyan din ako. As in kakagraduate ko lang na nalaman kong buntis ako. Una siyempre nagalit sila nanghinayang pero sa huli tinanggap naman nila. At pinangako ko naman na tutulong pa din ako na hindi pa dun natatapos yung mga pangarap ko para sa kanila. Aminin mo na sis sa kanila sa una lang galit nila di ka nila matitiis at yang baby mo. Godbless wag papastress masyado alagaan si baby

Đọc thêm