45 Các câu trả lời
Hi, Same tayo ng edad Nung nag pregnant ako 19 years old ako na preggy and then 20 years old ako nanganak, Na dissapoint yung parents ko sakin, Yung daddy ko nasuntok nya yung pader dahil sa Galit and yung Mommy ko naman umiiyak sa galit ( kasi kahit sino namang magulang diba.. talagang magagalit ) pero Sobrang blessing ako sa Family ko kasi Hindi nila ako pinabayaan nagpatuloy parin ako at hindi nila pinapabayaan ang Anak ko.. laki ang anak ko sa mga Lolo at Lola nya ngayon. At 23 years old narin ako.. At may Stable na Work na. Bii, Mas maganda na sabihin mo na sakanila yan. Oo Masakit siya sa una pero Promise me, Pag nakita nila yang Baby mo although nandyan padin yung sakit pero Para sa Apo nila at sa magiging pamangkin nila mamahalin din nila yan 💖
married at 26, we decided to get pregnant at 28. currently pregnant at manganganak ako by the age of 29. i dont have plan to get pregnant pa even tho im ready but hubby wants it before we reach 30. Never naging blessing ang mabuntis ng maaga. lalo na kung iaasa lang ito sa magulang.. sana na isip ka sender. you should have protected your self bata kapa pero umikot pag ka teenage mo mga bagay na mag asawa / adults lang ang gumagawa. at that age nag focus ka sana sa pagaaral at careers mo in the future.. darating at darating ka naman jan sa pagiging mapusok at the right age when youre mature na. your family will be dissapointed especially your parents just deal with it.. tell them. be ready and be strong.. ps. i dont tolerate teenage pregnancy..
Lumaki akong may takot sa magulang at takot na takot ako every time na sinasabi nilang di na ako mag aaral pag nabuntis ako. Kaya ending 1st boyfriend ko when I was 25 na sya din naging asawa ko and now I’m pregnant at 28. Sa case mo wala ka namn choice kung di sabihan yan . Expect mo papagalitan ka pero kailangan mo yan harapin kc kasalanan mo namn talaga yan at may karapatan silang pagalitan ka . yong iba nga sinasaktan pa at pinapalayas. Well Good luck sa pag amin mo. Tanong ka nalang ulet dito pag pinalayas ka. Nakakalungkot lang sa part nila na pinapagaral ka pero landi ang inuna mo. Ang hirap pa namn magpaaral ngayon. 😮💨 haayy iba na talaga kabataan ngayon. Masyado silang nagmamadali . 😮💨
Depende din sa situation sis Ako Kasi only child 21 Hindi Ako pinanagutan sympre nagalit sila Yung mama ko umiyak at nasabunutan Pako, pero Hindi dumating sa point na napalayas Ako. tanggap nila Yung baby actually Ngayon 9months Nako lagi nila kinakausap na lumabas na Kasi gusto na nila makasama . pareho Silang mahilig sa Bata matagal nadin sila Hindi nakakahawak Ng baby dahil Isa lang nga Ako. kaya kahit nag kamali Ako, para sakanila magandang regalo Yung anak ko mas excited pa sila sakin sa totoo lang Lalo na papa ko Kasi lalaki baby ko NASA tiyan ko palang sya pero sobrang mahal nila sya. kaya kung Ako Sayo Sabihin mo na, magagalit sila sa una pero mamahalin nila Yan.
25 yrs old ako on my 1st pregnancy. It's better to tell your parents ngayon na kasi unang una, nanjan na yan. Expect na mapapagalitan ka kasi kung ako ang parents mo or ang ate mo at nag aaral ka pa ay ganon talaga ang una kong reaksyon. Sa loob ng 6 months, nag iisip ka, naiistress ka kung paano ka mag oopen and syempre naiistress din ang baby mo. Ang mga magulang ay mananatiling magulang. May disappointment siguro sila sayo pero later on, mapapatawad ka din nila. Mas magagalit sila sayo kung abutin ka pa ng panganganak tas di ka magsasabi. Also, both of you and the father of your child ang humarap sa family mo if ever.
29yrs old. Bago yan nkapunta muna ako sa ibng bansa ng work.. ng ipon nabili lahat ng gusto!!! Na enjoy muna ang pagkadalaga … Hanggang ng decide kami ng hubby ko mg baby na kci total same nmn kami may trbho.. Sa situation mo sender, you have to face the consequences.. lalo na nag aaral ka pa pla. Dpt inisip mo muna yung hirap ng magulang mo at kinabukasan mo. For sure po papagalitan ka nila.. pero ndi rin mgtanggal matatanggap ka din nila soon. Need muna sbhin sa knila ang totoo ndi hbng buhay mo yan itatago sender. Good luck po sau. Balitaan mo nlng kami. May God bless you always specially your baby.
17 ako nagconcieve october. nag 18 ako ng nov . dec nalaman ng parents ko. 2nd yr college full scholar at bahay school lang. sobrang disappointed parents ko syempre. nakatanggap ako ng sampal. wala ko ibang nasabi kundi sorry. face the consequence. kung ano matatanggap mo, deserve mo kase masyado pang maaga pero lilipas ang panahon matatanggap ka din nila. lalo na ung baby mo. fight lang mii.. walang magulang ang nakakatiis sa anak. pero make sure na matapos mo pa din pag aaral mo 😊 25 na ko nung natapos ko college ko 😅 atleast natapos. kaya fight lang! kaya mo yan 😊
i'm 32 right now for my first baby.. tanggapin mo masasakit na sasabihin nila kung magalit sila sayo. kasi unang una, dapat nag aaral ka pa ng mabuti. pero nakipag bf/gf ka and worst nabuntis ka pa. but.. it's still a blessing to have a child. kapag nakapanganak ka na, mawawala na yung galit nila pag nakita nila apo/pamangkin nila.. tapusin mo pag aaral mo alang alang sa future nyo ng anak mo. at wag ka muna magdagdag ng anak. magtapos ka muna at makahanap ng work at magnegosyo. kapag kaya nyo pa bumuhay at magpaaral ng another child, tsaka na kayo mag anak ulit..
i was 29yo nung first pregnancy ko and talagang masasabi ko na ready na ako physically, mentally and somehow financially din since talagang plan namin ni bf na mag baby before my 30th bday. The earlier na masabi mo sa family mo mas better para sayo and sakanila and ofc kay baby, expect mo na madidisappoint sila and worst may masabi sila sayo na masama and maibalik nila lahat ng dating advice nila sayo. Ready mo sarili mo sa mga possible worst scenarios wag ka mag expect ng acceptance agad para if ever man di ka masyadong masaktan. Fighting lang Mommy 💪🏻
20 years old ko napreggy and im 3 months ngayon so far di nmn nagalit sila mama at papa mas inisip pa nga ni papa si mama baka daw highbloodin lalo ganun but then medyo na disappoint kasi nga im a full scholar and nasa magandang university din ako tas mag faface to face pa pero okay naman and this coming nov may pamamanhikan for our wedding and para sa mga iba pang bagay na need pang pang usapan both side kaya mo yan kayalangn mo lang intindihin maigi at wag mag pakastress ☺️ magiging okay din lahat