Kung bibigyan kayo ng pagkakataon anu gusto ninyo sabihin sa mother in law ninyo?
Wag pakialamera and stop comparing. Lage kasi bukambibig yung dalawang apo nya feel ko naicocompare sa anak ko. 😏 obvious naman na ayaw sakin ng mil ko dahil under sakin ung asawa ko kaya naiinis sya 😂
Pasensya na ho! Hndi ko ho kase alam na tatlo na pala anak ng anak nyo na akala ko lang dalawa. Kaya wla na ho ako magagawa kung di nyo matanggap itong apo nyo saken. Stay healthy nlang ho Godbless. 😆
Salamat po. At sana bawasan nyo po sana pagiging topakin nyo at mapagbintang ng walang basehan.. Totoo po akong nagmamalasakit sayo kasi kita ko po ung hirap nyo bilang pareho na tayong magulang..
Hi tita, manganganak nako. Baka gusto mong mangamusta, hindi ung makakaalala ka lang pag uutang ng pera. Lol. Hahahahahaha Kung ayaw mo sa anak ko, ayaw ko din sayo. Hahahahahah
Maraming salamt po sa lahat ng tulong lalo na sa pagbabantay at pag aalaga sa anak namin. Sana din pantay lahat ng treatment sa mga apo ninyo minsan kasi napapansin ko may favoritism
Sana hindi mo po hayaan ung mga iba mong anak na lumaki nalang sa padala at asa sainyo hayaan nyo rin sila mag banat ng buto. Wag nyo po masyado gawing baby kaya di natuto sa buhay.
Hindi ako hihingi ng tulong pinansyal pero sana naman humalili naman kayo sa pagaalaga ng apo nyo kase laging parating nanay ko lang ang naglalaan ng oras e.
Hello, sabi mo nung umpisa pa lang di ka makikialam sa mga desisyon namin mag asawa, bakit ngayon yung mga plano namin lagi mo na lang kinokontra?
Ako I will express my gratitude to my MIL for taking care of my baby since day 1 and even taking care of me when I was pregnant. Thanks Ma!
Sana po tanungin nyo muna ko bago kayo magdesisyon kapag tungkol na sa baby ko. Madalas kasi hindi nya ko tinatanong e. 😂😂😂