Sino po mga March ang EDD?

Kumusta na po kayo? Ano na naeexperience at ginagawa ninyo para kay baby? 12 week preggy here. March 22, 2020 EDD ko

26 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Me march 8...kala ko tapos n paglilihi ko pero until now nagsusuka p rin ako lalo pag d tinanggap ng sikmura ko..suka ang inaabot ko..niresetahan ako ng antibiotic for uti pero hindi tinanggap ng sikmura ko dahil s pagsusuka..3 days lng ang nainom ko d ko tinuloy..simula nung uminom ako ng antibiotic lalong lumala ang pagsusuka..hilo.lbm at sakit ng ulo kaya d ko na tinuloy ang antibiotic..huhu..so far nagpacheckup ako kahapon..ok nmn c baby..kala ko madehydrate n din pati baby ko...

Đọc thêm

March 5 EDD maselan po talaga ako nung 1st trimester. Laging masama pakiramdam at napakatamad kumilos. pero every check up nun chinecheck din heart beat ni baby okay naman. Healthy naman. Then nung 13 weeks palang ako, nagka brownish discharge ako kaya nagpunta kami kay ob for consultation then ang daming nareseta and bed rest. natagtag ata sa byahe. Pero now I'm 15 weeks na, okay naman na lahat. praying for a safe delivery sating lahat mga mommies 💗

Đọc thêm

March 30 EDD 11 weeks and 2 days di maselan ang pagbubuntis sa first baby ko. Tanging nararamdaman ko simula noong una ay pananakit ng suso at antukin. Mapili din ako sa pagkain. Nagtake ako ng prenatal vits gaya ng folic acid at prolacta with DHA. Palagi din ako umiinom ng gatas. Minsan may nararamdaman akong pagpitik pero madalang sa bandang kaliwang bahagi ng puson ko. I didn't experience any bleeding (Thank God) 🙏😇

Đọc thêm
5y trước

Swerte mo po, Sis.

Edd march 30, 2020... super selan ng pagbubuntis last month pabalik balik kami sa E.R (OB complex) due to spottings and bleeding good thing everytime na iuultrasound ok si baby... since 7 weeks until now wala n ako spottings or bleeding thanks God... I am still on bed rest hanggang matapos 1st trimester.. grave din yung paglilihi (suka, hilo, walang gana kumain) pero lahat kakayanin para kay baby....

Đọc thêm
5y trước

Momsh camille, same tyo hnd p dn hlta prang busog lng.. Lgi nga q cnsvhn liit dw ng tyan q.. Pro cnsagot q cla llki dn yn wag kyo excted.. Hehe.. Pki b nla for as long as gngwa ntn ang best ntn pra healthy ang pregnancy ntn..

Meeeee! March 14, 2020 ang EDD ko based on my LMP. Hehe 😊 Sobrang happy kami ni daddy kasi sobrang bait ni baby. Tahimik lang sya sa tummy ko at never akong pinahirapan. Gabi-gabi din sya hinahalikan ni daddy pagkauwi from work at kinakausap na wag makulit masyado baka mahirapan si mommy. ❤

Same po tau... 12weeks preggy at hirap na hirap tlga sa lahat, pagsusuka, sinisikmura. Lahat ng amoy ayaw ko.. Hinang hina tlga, muntik pa nga ko maconfine dahil sa sobrang suka ko nagasgas na lalamunan ko kya dugo na ang naisusuka ko.. Hope na malagpasan na natin to.. 😕☺️

March 10 po EDD ko. 14 weeks na ngayon. May times pa din na nahihilo at nag susuka. Minsan walang gana kumain. Lagi mapait ang panlasa. I always drink my pre natal vitamins and milk po. Currently on bed rest. Hopefully back to normal na next week para makapag work na ulit. Hehehe

5y trước

Paminsan minsan na lang din pagsusuka ko. Unlike nung 7 weeks ko

March 4 sakin, 15weeks na si baby. Medyo mahina pa din kumain, minsan malakas dpende sa ulam na din. Wala ko naranasan na paglilihi, more on sa gums lang ako nadadali. Swollen and bleeding gums ako simula nung 11 weeks hanggang ngayon.

March 23 2020 sis hihi 😍😍 hindi ako maselan sobrang bait ni baby 😁 alam nya kasi na hirap ako sa tatay nya kaya behave sya. By the way nararamdaman ko na movement nya sa gabi. lalo na kapag naririnig nya tawa ng papa nya 😍

Ang EDD March 11, 2020. Grabe sis yung 1st month and 2nd month ko as in pumayat ako kasi wala akong gana kumain sinusuka ko lahat ng kinakain ko minsan sobrang hirap ako pero kinakaya ko talaga para kay baby.