MAMA
Kelangan ko lang po ng mapapagkwentuhan , bakit po kaya ganun yung mama ko pag nakikita ako laging nakasimangot sakin saka lagi akong sinisiringan pag nakikita ako wala naman po akong ginagawa pag kinakausap ko sya lagi na lang pagalit yung sagot kahit maayos o malambing ko syang kinakausap parang sama sama lagi ng loob nya sakin . Pag iba naman kausap nya ok lang sya mabait pati sa dalawa kong kapatid malambing sya (solong babae lang po ako ) di po tuloy ako makapag open sakanya di din ako nagsasabe pag may sakit o nararamdaman ako naiinggit tuloy ako sa mga nakikita kong close sa mama nila yung nkakausap nila mama nila pag may problema sila tulad ngayon mga mommy 7 months pregnant ako di ko pa din nasasabe sakanila kasi nga nahihirapan akong kausapin si mama para sana matulungan akong magsabe sa papa ko . Minsan tuloy gusto kong lumayas ?? minsan naririnig ko pang chinichismis ako sa mga suki nya. Hirap ng ganito mga mommy di ko alam kinagagalit o sama ng loob nya sakin ?? gumagawa naman ako ng way para maging malapit sakanya kaso ganun talaga kaya napapalayo na din loob ko sakanya ??