Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
ftm soon to be
Pentavalent Vaccine
Mommies, palagi po walang stock ng pentavalent vaccine dito saamin. Mag 3mos na si baby hindi pa naturukan. Magkano po kaya yan sa private? Any idea po para magawan ko paraan. Malayo kasi kami
PAG UPO
Mommies, among month po ba pwede maka upo na yung baby? Binilhan kasi ako ng kuya ko ng strollee for my baby. Ehh yung stroller yung style nya yung uupo ang baby. Yung baby ko ngayon 2months pa, di pa nga halos ma balance leeg nya ? Pasagot po ?
FTM Porblems
Mommies, magshare lang po ako experience ko. 2months palang po baby ko. Naiinis lang ako minsan kasi lagi akong pinangungunahan ng mama ko sa baby ko. Like ngayon may sipon si baby, dalawang araw na sya di pinaliliguan. Kahit punasan ng wet na cloth, ayaw ng mama ko. Uncomfortable naman nun para sa baby na ang lagkit sa feeling. At kada di nakakaligo si baby lumalabas mga rashes at baby acne nya sa mukha. Tas meron pa, nilalagyan ng mama ko yung water na pinaliligo ng mga kung ano anong mga dahon. Another is, pinahilot namin yung nape (likod part ng leeg) ni baby, kasi nga daw naninigas sya. At nilalagyan din nya ng powder si baby (nabasa ko na di pa pwede sa mga maliliit pa). Haynaku. Basta ang dami pang mga beliefs yung mama ko. Nakakainis nading minsan kasi parang hindi na tama. ?
Sipon
Mommies, may sipon kasi baby ko (2mos) tas ayaw paliguan ng mama ko. 2days na siya walang ligo. Okay lang po ba yun? Para po kasi sakin baka ma alibadbaran si baby. Mainit init pa naman panahon ngayon dito saamin. Lagi kami nagsasagutan ng mama ko pagdating sa baby ko. Any advice po. ?
Cologne
Mommies, kailan nyo po ba ginamitan ng baby cologne yung baby nyo? Nakalimutan ko kasi itanong sa Pedia namin last visit ? 2months po baby ko.
NAN OPTIPRO
Mommies, ask ko lang kung may half kilo lang ng Nan Optipro 1? Nung last kasi one kilo yung nabili ko yung tig 1,260+. Baka may half kilo muna kasi nashort ako sa budget. Pasagot po.
Sino po sainyo Nan Optipro milk ng baby? Kamusta naman po baby nyo? Baby ko po kasi Nan Optipro gatas nya sobrang likot. Babae po sya pero grabe yung likot nya super active sya. One month and 15days palang po baby ko.
Dugo (FTM po)
Gano po kayo katagal dinudugo after manganak (normal delivery)? Ako kasi mag 1month na sa Jan14 mula nung nanganak, tas may dugo pa rin lumalabas sakin. Parang isang napkin for one day ang dami.
Lagnat (Help po)
Mga mommies, yung baby ko po (mag 1month sa 14) ma init2 yung katawan nya. Di naman ganun ka init pero parang lalagnatin po sya. Di rin kasi gumagana yung temperature na bigay samin. Bumili ako ng tempra para sigurado. Okay lang po ba painumin na baby ko ng tempra? Safe po ba? Para kasi syang lalagnatin talaga. ??
Worried FTM
Mommies okay lang po ba to? Mukang nagnana po yung ininjectan ng baby ko.