106 Các câu trả lời

Wag po mawalan ng pag asa dapat ganito ang binibigyan ng magaganda mensahe hindi yung mga lukaret na gsto mgpalaglag pag maga na buntis go lang momy maaaring mahirapan sa lagay mo ngaun pero laban lang blessing po ang mga baby sa buhay natin at pag nailabas mo sya ng maayos sa mundo masasabi mo napakabuti mo na ina🙏😘

May patutunguhan buhay mo. Think of your baby as a blessing. Never question kung ano meron ka ngayon baka makasama pa sa inyo yan ni baby. Whether your pregnant or not kung you have plans in your life, you can still do it. Just trust and pray to God. Eevrything has a reason, its now your choice on how you will manage it.

i was 17 when i got pregnant sa firstborn ko and until now 7 years na kami ng lip ko and im currently 23 years old at preggy sa pang second baby namin. we choose to be happy even nagkamali kami tinama namin ang mga mali namin at ngayon binu build namin ng maayos ang pamilya namin. baby is a blessing momsh. keep faith.

ako 17 nabuntis pero nag aral pa din ako and working hindi naman sa maagang nabuntis eh wala ng patutunguhan ang buhay blessing po ang bata .. at mas magkakaroon ka ng mas mataas pa na pangarap dahil sa baby mo siya ang magiging inspirasyon mo para gawin ang mga bagay na nanaisin mo Goodluck momsh 😊

Ako 17 nagkaanak. After 2 yrs nasundan ulit bale 2 na baby. Nging maayos nmn lahat . Ngayon prng barkada ko nlng ung dlwang chikiting ko. Then after 10 yrs magkaka baby na ako ulit so tatlo na sila. Mahirap pero kelangan mong mging strong kasi wla nmn masarap n ndi pinaghihirapan :) pray lng magiging maayos fn lahat

18 years old lang ako nung nabuntis. Hindi dito nagtatapos ang buhay natin. Kapag nadapa kaba hindi kana tatayo? Syempre tatayo ka ulit diba? Tuloy lang tayo sis para sa mga anak natin. Mas malakas ka ngayon dahil may paghuhugutan ka ng lakas. Ingat nalang ulit para hindi madapa ulit. ♥️♥️♥️

I got pregnant when I was 19 years old, luckily mabait mga in-laws ko, pinag aral nila ko at nakagraduate ako. I am taking LET this coming Sunday. Maagang nagasawa pero tuloy ang buhay, kaya pa din natin tupadin ang pangarap natin momsh. Cheer up! Aside from that, you have your greatest blessing. :)

Hi! Actually 20 lang ako and lumabas na si baby this January 20, 2021 lang. 2nd year college na ako and nag-stop midyear. Oo sayang siya pero marami pang taon. Wag kang madadala sa sinasabi ng iba at kung ano ang dapat makita ng iba kasi buhay mo yan. May sarili kang timeline at ganun din ang iba.

VIP Member

no, di rason pagbubuntis ng maaga para masabeng wala ng patutunguhan ang buhay. Nasa sayo yan be, Kung pano mo ihahandle yung buhay mo. Wag mo intindihin yung sinasabe ng ibang tao. Mga walang magawa sa buhay lang yan. Lalo ka pa dapat magkaron ng pag asa dahil jan sa baby na dala mo.

Pinsan ko nabuntis ng 18 yrs old. Pero patuloy pa din sa pag aaral. Nasa saiyo naman yan kung paano mo tatahakin ang landas mo, kung mag papaapekto ka sa mga sinasabi ng iba talagang walang patutunguhan ang buhay mo. Kaya yang baby mo gawin mong inspirasyon. Kaya mo yan. Godbless!

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan