M I L
kamusta naman mga mother in law nyo? ?

Ayun, bossy at mayabang. Basta nalang pupunta sa bahay namin at derederecho di man lang binabati ang nanay ko. Nakatira kami ni hubby at baby sa bahay ng nanay ko. Oh diba nakaka stress. After ng binyag ng baby ko, alam nya na madaming nagbigay ng cash kay baby, gusto nya utangin yung pera. She's Unbelievable! At yung may nagpa abot sakanya ng papasko kay baby na cash, ginamit muna nya bago nya binigay saamin siguro mga 6 days after Christmas. Nung January 1 nga, basta nalang pumasok sa bahay namin, at sinabi isasama daw kami s a tagaytay, within 10mins susunduin daw kami ng sasakyan, ayoko sa ang sumama kasi hindi naman ako basta basta makakaalis kasi 4months old palang baby ko, ako lahat mag aasikaso sakanya at di ko kaya ng 10mins. Aba nagalit ang bagal ko daw kumilos. Pinaliguan ko pa si baby, inayos ko pa mga dadalhin na damit maliligo pa ako. Grabe nahiya lang ako sa tito ng asawa ko kasi mababait sila saamin kaya go. Tapos ayun inabot kami ng 11pm dahil sa traffic. Awang awa ako sa baby ko kasi halatang pagod na pagod na sya. Sa lemery batangas pala pupunta, hindi sa tagaytay. Ang sama talaga ng loob ko kasi hindi man lang nya ko tanungin kung gusto ko ba sumama, respeto man lang saakin. Kaso hindi e, umasta sya na parang boss at dinidiktahan ako. Until now di ko parin sya kinakausap, nagchachat sakin at video call di ko sinasagot, di ko siniseen ang mga chats nya at alam ng asawa ko, naiintindihan naman nya ako kung bakit ako nagkaka ganito. Mabuti nalang talaga at mabait ang asawa ko. Nakaka stress talaga yung MIL ko grabe.
Đọc thêm

Mama bear of 1 sunny son