share ko lang.
Kakahiwalay ko lang kay partner ko. After 8 months of pregnancy, eto na ako ngayon nag iisip kung paano makapag survive. Di ko alam kung tama ba desisyon ko. Pero ang nasa isip ko lang kailangan kong isipin ang baby ko. Dahil sa stress , sama ng loob naapektuhan na pala ang baby ko. Di ko alam kung selfish ba ako kasi nilayo ko sya sa papa niya pero di ko na kaya eh. Nagdasal nalang ako na sana makayanan ko ang lahat. Ano po ba ang gagawin ko para di ko na isipin ang lalaking nanakit sakin, samin.. Ayuko ng umiyak, ayuko na syang isipin.. Sa lahat ng ginawa nya samin grabe ang naging trauma para sakin. Umabot na sa point na sinasaktan ko na ang sarili ko. Pero nagpasalamat parin ako at nakuha ko parin umalis sa tabi niya. Kahit na sinabe nyang bahala na ako sa baby namin dahil daw sa pag alis ko, sabe ko nalang sa sarili ko kakayanin ko to para sa bata. Kung ayaw nya ,edi wag. Alam ko may plano ang diyos para samin. Alam ko.