Sama ng loob kay partner
grabeng sama ng loob na nararamdaman ko sa kanya. mag2 months palang baby namin pero trato nya sakin parang di ako na cs. nagtatrabaho sya, para sa kanya yun na yung responsibilidad nya samin. 1 week lng ang leave nya. pagdating nya ng bahay galing sa trabaho, kung di ko na uutusan puro nalang cp aatupagin. minsan may dabog pang kasama. ni di sya nagkukusang kunin ang bata. pure breastfeeding pa ako, ni di man lng nya makuha sakin ang bata pag pinapaburp ko na. ang dami ng naiipong sama ng loob, sa iyak ko nalang nailalabas ang lahat. minsan parang gusto ko nalang iwan si baby pero nakakaguilty mahiwalay man lng ako ng ilang minuto. feeling ko ang sama ko ng ina, naglalabas din ako ng hinanakit ko sa kanya pero parang wala lng sa kanya mga sinasabi ko. di ko na alam gagawin ko😭😭😭