NANINIGAS ANG TYAN (29 WEEKS)

Hello po mga mommyyy. First time mom here, may nakaranas na po ba dito na tumitigas yung tyan pero di pa naman due date? Nagpacheck up po ako last time, napansin ni OB ko na matigas daw po tyan ko,sign ng naglalabor pero bigla naman pong mawawala. Sabi din nya dapat familiar ako sa feeling kasi ganun din daw pakiramdam pag manganganak na, may binigay naman syang gamot sakin, saka ko lang inumin kapag tumitigas padin yung tyan ko kahit naipahinga ko na. Worry ko lang is hindi ko alam if yung paninigas ba e may kasamang sakit dapat or basta matigas yung tyan ay sign na ng naglalabor?

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nagpacheck ako nung Thursday Feb. 1, 2024 gawa ng paninigas ng tyan na may kaakibat na sharp pain na nagkokonek sa pwerta. Pero Lunes ko pa ito iniinda. Nafind out po nagmamanifest ako ng early sign for labor at 29 weeks. Niresetahan ako ng ISOXILAN for 7 days 3 1 tablet 3x a day, at HEREGEST at bedtime for 10 days at yun nga po, DEXAMETHASONE 4dose of 6ML 12hrs interval para maging fully matured lungs ni baby worst to worst cases might happen. 🥲 Di ko mawari ba't ganito. Di naman ako stress. Pero siguro dahil sa pagbubuhat ng mga bagay² sa workplace tulad ng bundle na papers.

Đọc thêm
11mo trước

ahhh opo. naramdaman ko din yung sharp pain na yun. Niresetahan din po ako ng OB ko ng ISOXILAN kaso to be taken as needed. sabi po kasi saka ko lang sya inumin kapag yung paninigas is hindi mawala kahit naipahinga ko na, kapag persistent lang sya ganun. Ano daw po possible cause or ano po pwedeng mag trigger bakit naninigas ang tyan?

kapag naramdaman nio ang contraction or paninigas, orasan nio ang interval kapag hindi nawawala. inuman nio kapag hindi nawala kahit nagbago kau ng position. pampakapit ang binigay sa inyo para hindi muna maglabor. it does not matter kung masakit or hindi. kapag nawawala ang contraction, braxton hicks ang tawag dun.

Đọc thêm
11mo trước

ano pong ginagawa nyo pag naninigas tyan nyo?