fetal doppler
Kakabili ko lang po nito sa shopee. Kaya lang hindi ko marinig or makita heartbeat ni baby. 11 weeks & 4 days na po ako. Nakapag ultrasound na ako, and my heartbeat na si baby, nag doppler na rin ako sa ob last check up kaya na encourage ako mag buy. Working ung doppler kasi natry ko my own heartbeat and sa kids dito okay sya. Saan po ba dapat ito tinatapat. Thanks
At 9 weeks mommy narinig ko na hearbeat ni baby thru doppler, ang ginagawa ko lang is nilalagyan ko na ultrasound gel sa may lower abdomen banda malapit sa may pubic area then iangat mo konti yung tyan mo then idiin mo din konti yung probe sa tyan mo mommy. Iikot mo yung probe from left to right ikutin mo yung area, una mo na maririnig is yung static. Pwede mo rin marinig yung heartbeat mo kaya dapat alam mo difference ng heartbeat mo and heartbeat ni baby. Mas mabilis ang heartbeat ni baby kesa sa heartbeat mo kaya malalaman mo agad kung tama mo ba yung naririnig mo. Sa akin kasi nasa may right side ng lower abdomen ko naririnig heartbeat ni baby 😊
Đọc thêm12 weeks po ako nung unang narinig heartbeat ng baby ko at sobrang nahirapan po ang OB na hanapin kc sobrang liit pa daw nia, nakailang dagdag ng gel pa at nagpalit pa sya ng doppler na gamit, tagal bago nahanap ang heartbeart.. Sa may bandang baba ng puson pa po sya nahanap..
Tinatapat yan dipende kung ilang months na tummy mo momsh kasi umiikot kasi yung baby pag nag de-develope.. Kaya para sakin parang mahirap makita kung saan yung heartbeat lalo na akala mo heartbeat ni baby yung naririnig mo kaso heartbeat mo na pala mommy.. 😅
Hindi mo pa po maaappreciate talaga yun heart beat kapag 11 weeks po. Hindi po advisable ang maagang ma doppler yun baby kasi baka makaapekto sa development ng hearing nya. Yang doppler po kasi parang train ang tunog sa baby
Most for the 11 weeks fetus po ay freely floating pa po inside our tummy..have patient po sa paghahanap using doppler.. isa isahin mo po ung 4 quadrant ng tummy nyo.. pag hindi narinig, press lang po ng konti..
Hahanapin mo po momsh kung saan ang heartbeat niya. Try mo din po yung kung san tinapat ng OB mo po yung last mag test niya saiyo
Hahanapin niyo po yung heartbeat niya. Try mo tumagilid on your right side kung hindi niyo po madetect
Hahanapin niyo po ang heart ni baby kasi paiba iba minsan ng pwesto bandang puson po ibabaw ng panty
16 weeks ako ginamitan ng doppler ng OB ko. Di mo pa siya maririnig sa doppler gnyan kaaga..
9 weeks po ako nakarinig sa doppler sa puson po itapat. Sa medjo taas lng ng panty