9 Các câu trả lời

Hindi sisirit ang gatas kapag bagong panganak ka palang dahil ang tummy ng baby mo is munggo lang ang laki. Colustrum ang unang lalabas sayo. If I were u u should be concern sa safety nyong magina sa panganganak mo the rest will follow. To have a positive breastfeeding journey after birth dapat positive ka rin magisip ako nung nanganak ako kahit wala akong nakitang nalabas sakin go lang as long na may output sa diaper ni baby, 3mos PP nakaipon na ako ng stash ko at oversupply dahil nagpump agad ako 4 days palang ang baby ko. U should joine groups in facebook magic 8 mommies breastfeedingpinays etc marani kang matutunan don

Don't worry too much, Momsh kung wala pang gatas na nalabas sa'yo. Ganyan din ako noon. Ako kasi hanggang sa pagkapanganak ko walang colostrum na lumabas, until nag-latch at na-suck ng baby ko doon lang lumabas ang gatas ko and I was surprised kasi malakas ang gatas ko, on the 3rd day ng breast feeding ko sa hospital, I was needing a pair of breast pads na sa sobrang lakas ng tulo ng milk ko. A month or 2 before my due, ang madalas kong kainin ay oatmeal, pangpa lakas ng gatas yun Momsh. Try mo din yung M2 Malunggay Tea Drink mayroon nabibili sa Lazada Mall.

VIP Member

Di pa po agad nasirit yung BM sa umpisa. On the first days po pag nanganak kayo, yung yellowish milk or Colostrum muna yung lalabas sayo which is very important na madede ni baby. If mukhang konti lang yung lumalabas sayo, wag mag worry since kasing laki palang ng calamansi yung stomach nila. Basta unli latch lang at tyaga sa pagpapa-breastfeed kasi unti unti lang po yan dadami depende sa need ni baby. Iwas ka sa stress and stay hydrated para maging maayos yung milk supply ☺️

VIP Member

Saken lumabas yung gatas nun pang 4 na araw simula nun lumabas si baby. Di naman nasirit, natulo lang sabi ng mga nurse ipa latch lang daw si baby kahit wala kasi eventually magkakaroon din daw ng milk yon. Inom ka din ng malunggay supplements yun nireseta saken ni ob, tapos sabaw sabaw. Kung my pump ka try mo din mag pump.

VIP Member

case to case basis mommy. ako nagkagatas lang after ko manganak. pero di pa ganon kalakas nun. ung colostrum plng talaga. then after a month tska umayos yung milk supply ko.

VIP Member

sa akin wala naman. pa unli latch mo lng once n lumabas si baby at eat k ng masasabaw n food tska malunggay ☺️ drink lots of water n dn

Baka magkakagatas kadin mi paglabas ng bby mo ako kasi 4months tummy ko saka lang ako nagka milk dipende siguro yan

VIP Member

Don't worry too much mi. Pag labas ni baby magkaka gatas ka din.

VIP Member

Makakatulong po malunggay ❤️❤️

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan