Rant

Kailan po ba pwede ibiyahe ang baby? Gusto ko kasi iuwi sa probinsya namin sa Nueva Ecija yung baby ko, ayaw kasi ako tigilan ng mil ko lagi nya cnasabi na gusto nya iuwi sa Iloilo yung anak ko kahit ilang beses ko na cnabi sa kanya na ayoko. Lagi nya sinasabi na kawawa anak nya dahil asawa ko lahat gumagastos, pagod na nga daw sa trabaho tapos pag-uwi cia pa daw lahat gagawa sa bahay, lagi nya ako pinaparinggan na tamad. Di daw ako marunong mag-alaga ng anak ko, kung ano-ano pinagbabawal nya na gawin ko sa anak ko na siya mismo ginagawa nman nya. Gusto ko ipabreastfeed baby ko pero kailangan ko pa itago pag magpapadede ako kasi ayaw nya panis daw gatas ko, sasakit lang daw tiyan ng baby ko. Pag kinakabag baby ko, tinatanong nya agad kung pinabreastfeed ko. Nung sumuka tinanong nya agad kung pinadede ko baka daw nasobrahan samantalang kabubuhat ko pa lang. Speaking of buhat naman, kakukuha ko pa lang baby ko sa crib nya pinapababa nya na agad wag ko daw sasanayin ng buhat, pati isusuot na damit pag pinalitan ko na papalitan nya ulit. Lagi nya pinapamukha sa akin na di ko kaya alagaan anak ko, na kapag wala cia mahihirapan ako, di ko daw kaya. Lagi nya ikinocompare sarili nya sa akin. Siya na magaling.. kaya gusto ko sana iuwi ko muna baby ko sa probinsya namin, balik na lang kami dito sa Manila pag uwi ng MIl ko.

38 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

buti na lang hindi ganyan ang biyenan ko, mabait at nakikinig sa gusto ko ang biyenan ko, kahit na first apo nila si baby, kasi ako daw ang nanay kaya naka suporta lang siya sa kung anong gusto ko, very thankful ako na napunta ako sa mabait na biyenan, wala na kasi akong parents both,

Napakaswerte ng iba na di nakaranas ng ganyang asta ng biyenan no po? Madaming pasimpleng kontra at dami sinasabi. 🤔Mga 3 months po pwede na siguro safe na ibyahe kesa naman ganyan. Ikaw pa masama niyan at walang respeto pag napuno kana at sumabog.

Thành viên VIP

Ako ayakong ginaganyan ako baka ma ratrat ko tlaga di pa naman ako natatahimik pg anak ko pinapakialaman! Punyeta kaml yan MAG ANAK SYA KUNG GUSTO NYA! DI YONG MANG AAGAW SYA NG BATANG AALAGAAN AT KELANGANG IPA MUKA NA DI KAYA NG INA !

As early as two weeks mommy pde na isakay sa plane ang newborn, saglit lang naman byahe. Si bb ko 1 mos ko inuwi sa probinsya since sa manila ako nanganak. Balutin lang si baby. At pag nasa public place layo2 sa madaming tao.

Actually, magkagalit kami ngayon ng mil ko walang pansinan.. ang awkward lang kasi laging wala yung asawa ko nasa work nya so kami lang naiiwan. Naaawa lang ako sa asawa ko kasi siya yung naiipit saming dalawa ng nanay nya.

Ako mamsh naibyahe namin si lo ko wala pa sya 1month from bulacan-airport-cainta then bulacan ulit. Yun nga lang mamsh may sasakyan kaming sarili. Mahihirapan ka kasi kung commute tas baka makapulot din ng sakit si baby.

Thành viên VIP

Anytime naman po pwedeng bumiyahe kaso s sitwasyon ntn ngaun mas mainam n wag muna. Kami po 1week p lng naibyahe n nmin c baby. Ndi kc kmi naniniwala na dpat binyag muna bago ilabas pra kontro usog daw.

as long as may mga vaccines na si baby pdr na sya iuwi para may panlaban sya sa mga sakit and momsh baby mo po yan dapat ikaw ang nasusunod diba mothers knows best.si nmn MIL mo nanay ng anak mo eh

Nakakainis yang MIL mo ha. Nakakawala ng respeto. Bumukod na kayo, kung mahal ka ng asawa mo i priority nyo ang pag bukod. Mga MIL na atribida talaga ang anay ng tahanan.

Kaya ako ayaw ko makisama sa in-laws ko kahit na alam ko na mabait sila... Kung catholic ka... Magsimba muna kayo and then pa-blessed si baby kay father...