Need advice pls..
Tama ba bigyan ng 2nd chance si husband? 3yrs plng kmi kasal, kpag nag aaway kmi lagi nya ko nasisigawan at namumura.. nitong huling away namin nasaktan nya ko pisikal.. ngayon nakikipaghiwalay na ako sakanya pero ayaw nya.. itatama nya daw lahat ng mali nya, lagi daw kmi mag uusap ng mahinahon, ang mga problema pag uusapan para hndi maipon.. napuno daw kasi sya kaya sumabog, hndi nya daw alam bkit nya nagawa.. lagi ko daw kasi nya sinusungitan.. dahil sa Pera Kaya kmi nag away, Hindi nya bnibigay sakin sweldo nya, kaya hndi ma budget ng maayos, pareho Kami working pero lately kinakapos pa rin.. ayoko sana maniwala sa mga sinasabi nya.. itatama nya daw lahat ng mali nya wag lang ako mawala. May dalawa kmi anak.. nag apply ako ng BPO sa brgy. Bawal sya lumapit samin ng mga bata. Nililigawan nya ko ulit, babawi daw sya.. bigyan ko lang ng 2nd chance..
Ito before nung hindi pa kami kasal ng ate ko. Ang laging sabi ng papa ko samin is "Kapag ang lalaki sinigawan,diniro at sinaktan ka iwan nyo, kasi sa susunod nyan mapapatay na kayo." Kaya ang papa ko nireremind kami na dapat marunong kami ng ate ko magwork at financially independent pra if ever dumating kami sa point na ganun makakaalis kami. Ang top priority mo now is safety nyo mag iina. Sorry for me ayoko na mag bigay ng second pero nasa iyo pdin ang decision. Bago mo sya bigyan ng 2nd chance iobserve mo muna sya. saka alam mo ang mga bata na lumalaki sa bahay na puro sigawan at away AY HND MAGANDA PRA SA KNILAN PAGLAKI. wag na po natin ipilit yung "Nakaawa ang mga bata lumaki na walang tatay, kasi ko padin na buo ang pamilya." Sorry again but hindi po dapat ganun. Maniwala ka kapag lumaki sila ang matatandaan nila kung pano kayo mag away at magkasakitan dalawa. For me as a mother, I should be the one who will be a role model sa mga anak ko dpat alam nila kung ano ung SELF LOVE AT RESPECT. Kaya pansin nyo toxic ang karamihan ng Filipino Family because of that mentally. They are afraid to be alone, Pero tignan mo mga lumaki sa strong and independent family. Kahit mahirap ang buhay nagpursigi at mas naappreciate nila ung hirap ng magulang nila kahit lumaking walang tatay. Ang mga bata ay matalino, They will understand the situation. Hindi kasi uso dto sa Pinas ung Healthy CO-PARENTING. Pwd naman sya magpakatatay sa mga anak mo basta may kasunduan kayo eh. Haba na ng payo ko, basta ito ay opinyon ko lang. siggest ko mag follow ka dun Relationship Matter para malaman mo ung pinopoint ko.
Đọc thêmFor me lang po, doubtful na ko sa ganyan basta nasaktan na ko ng pisikal... nasasayo po yan mi, kasi actually kasi ikaw ang nakakasama ng asawa mo at siguro naman kilala mo asawa mo. kung.. and for me din, di dapat pinagaawayan ang pera, sabi sakin ng parents ko, never dapat na pera ang pagaawayan ng magasawa lalo pa at iwasan din ang laging nagnanag sa mister lalo kung oareho kayo ng nagttrabaho, pagod, may iniisip, i dont know lang pero sa akin kasi di ko nakita sa family ko as well samin magasawa ang awayan sa pera. si husband ko di ko hinihingi sa kanya yung sweldo o atm nya, sabi ko lang na hati na lang kami sa gastusin sa bahay sa kanya ang groceries at cable, net at check ups ko plus gamot, sakin ang electric, water, hoa, etc. pero kusa nyang binigay sakin dahil mas gusto nyang di naghahawak ng pera at manghihingi na lang daw sakin ng allowance , tinatamad din daw syang nagpupunta sa banko para magwithdraw 😅 both working din kami so sakin ok lang kahit di nya ibigay. need nyo magusap via couseling sis... since may mga anak din kayo.. basta cautious ka na lang din.. praying for your family sis 🙏🙏🙏 Godbless po.
Đọc thêmSorry for what happen. Pero for me po kasi, kapag sinaktan nako physically, ibang usapan na po yun. Nag aaway din naman po parents ko pero never sila nag sakitan. Mag bf/gf kami for 9years bago ikasal. Mag bf/gf palang kami ng husband ko, sinabihan kona sya na kapag pinagbuhatan nya ko ng kamay, hinding hindi na kami mag kakaayos. Bute nalang, pag nag aaway kami, madalas tahimik lang muna kami. Kapag lumipas na yung init ng ulo, tska kami nag uusap. Hindi din kasi ako marunong sa confrontation, kasi kapag galit ako madami akong salitang nasasabi na pag sisisihan ko after. Kaya tumatahimik nalang muna ko. Thank God, Never pa naman ako sinaktan ng husband ko physically. Pag isipian mo pong mabute mommy. Mahirap po sa part nyo kasi may 2babies na kayo. Need nadn isipin mga bata hindi nalang sarili. Kung saan po kayo mapapanatag dun po kayo. Hingi din po kayo ng guidance kay Lord, para makapag decide ng tama 🙏🏻
Đọc thêmnobody's perfect sa relasyon, tingnan mo din yung factor kung may history ng pananakit sa pamilya nila. Ang pamilya ng hubby ko nung maliliit pa sila nagbubugbugan at nagsasakitan ang magulang nila kaya una palang sinabi ko na once na dumating sa ganyan point ang away namin alam niyang wala na siyang babalikan, never niya naman ako nasaktan. Pero nung gf/bf palang kami sinubukan niyang mambabae pero nahuli ko and binigyan ko siya ng second and last chance para ibalik yung trust ko sa kanya at once na gawin niya ulit end of relationship na agad hanggang sa naging mag asawa na nga kami and never in our relationship na nag away ulit kami about sa babae. That means everybody deserves 2nd/last chance para matutunan ang mga pagkakamali. Iba na yon kapag naulit pa, end na agad. Importante ang prayers dahil hindi natin kayang baguhin ang mga mister natin. Si Lord lang ang makakagawa non. 🙏☝️
Đọc thêmSorry momsh😔 for me ha.. Sa akin lang naman.. Pag sinaktan na ko physically ibang usapan na yon.. At alam ng mister ko yan.. Kaya d kami umaabot sa ganyan. Pag nag aaway kami na normal naman sa mag asawa ang mag away paminsan. At nakita niya umiyak ako sarili niya sinasaktan niya. Kasi alam niya once tumama saken ni dulo ng daliri niya alam niya makikipag hiwalay ako agad. Nasasayo yan mi ikaw nakakakilala sa mister mo.. I think mas ok pa nga dumaan kayo sa counselling mag asawa. Nakakatrauma kasi pag nananakit na.. Emotionally at mas lalo na physically. Kaya kung bibigyan mo siya ng 2nd chance e kelangan magpacounsel muna kayo. Mahirap din kasi baka sa susunod gumrabe pa pananakit niya sayo😢 o kaya pati mga anak nyo masaktan na niya physically.
Đọc thêmhay sorry nangyari ito sayo momsh.. pero para sakin, deal breaker talaga pag sinaktan na ako ng physical. alam yan ng hubby ko, although hindi naman nya ako sinisigawan at minumura pag nag aaway kami. silent treatment lang 😆 kapag nagawa nya na yan once, he can and will do it again. buti at nag file ka po ng restraining order para maturoan ng lesson. hindi dahilan ang sobrang galit para manakit ng ibang tao... major major red flag mommy 😔😔🚩🚩🚩🚩🚩 pwede mo naman po sya bigyan ng second chance for now if this is the first time na sinaktan ka nya physically. pero bigyan mo po ng ultimatum na kapag inulit pa nya, wala nang another chance po.
Đọc thêmAlam mo mommy, base on experience, kasi nangyari na rin saken yan. Nasaktan na ako physically maliban sa mga pagmumura nya.. Nakipaghiwalay na rin ako.. Pero isang araw nagtanong anak ko bakit daw siya walang tatay e ako daw na nanay niya meron, dun ako nasaktan ng husto...... Imagine 3 years old anak mo tinatanong ka ng ganon.... So nag give chance ako sa asawa kong gago... Sabi ko for the last time na yon dahil d rin biro pananakit niya saken dati..... At sa awa ng Panginoon,d ako nagkamali ng desisyon.. Naging maayos naman sya, mas maganda nga ipinagbago nya.. Siguro narealize nya din mga pagkakamali nya nung 5 months kami naghiwalay.
Đọc thêm7 years na kami ng husband ko (married last dec) pero never niya pa ko nahurt physical. Nasisigawan niya ko pag galit and mamumura, sabi ko sa kanya masaktan niya once hihiwalayan ko siya. Sabi niya rin naman na kapag mahal mo ang tao kahit gaano kapa kagalit di mo magagawang saktan ng physical. And di naman sa "hihintayin mo pa bang saktan ka para hiwalayan mo" kasi okay naman kami & okay naman siya. Di na talaga mawawala ang away sa buhay mag-asawa. Ikaw mi, kung feeling mo serious naman siya & kung gusto mo buo family niyo bigyan mo second chance. Pero may tendency kasi na mauulit at mauulit niya yan kasi nagawa niya na sayo.
Đọc thêmhow many times na din kaming nagaway ng husband ko, humantong na sa hiwalayan at sinubukan pa ng mga byenan kung ipagayos kami, pero never in our relationship that he hurt my physically, salitaan lang, may time that he wanted to punch me in the face but pinipigilan nya sa pader nalang nya binubuhos ang galit at inis nya sakin, ever since i told him that once he hurt me physically sorry but i need to stop it and if kailangan magrequest ng annulment i will do it. Ibang usapan na ang physical na pananakit, para sakin ibig sabihin lang pag sinaktan ka na ng husband mo physically, wala ng pagmamahal na namamagitan pa sa inyo.
Đọc thêmpara sakin mi ibang usapan na pag may halong pisikalan na. naniniwala kase akong pag nagawa ng minsan madali na ulitin. safety nyo na nga mga anak nyo naka salalay sa 2nd chance na pwede nyo ibigay. sa usaping pera nmn. nung ayaw ibigay sakin ng asawa ko sweldo nya kinuwentahan ko sya ng mga dapat pagka gastusan. basic lang pinasagot ko sa kanya : bills, gatas, diaper ni baby. tas sa pagkain naghanap nlng ako ng paraan noon. basta yung suporta nya sa bata/ mga bata dapat di mawala. kase pag pati yon nawala pa ano nlng silbe ng mga asawa ntin kung di nmn natin sila maasahan sa ibang bagay.
Đọc thêm