Hilot sa baby

Share ko lang naiinis na kasi ako sa MIL ko. May ubo ang baby ko may kasamang halak pinacheck up ko na sa pedia nya. As of now, nagnenebulizer kami reseta ng pedia nya para mawala yung halak nya at minomonitor ko naman sya. Etong MIL ko pinagpipilitan iuwi ko daw sa probinsya si baby para ipahilot daw kasi pilay lang daw yan na tumagal na. Sabi ko naman di sya pwede ibyahe ngayon kasi nga inuubo sya mahina pa ang resistensya nya at ang sabi din ng pedia nya bawal muna sya ilabas labas. 5 hrs ang byahe papunta sa probinsya nila at maeexpose pa ang baby sa mga madaming tao lalo na sa terminal at sa loob ng bus. Tapos ako pa yung naging masamang ina ngayon na pag may nangyare daw sa anak ko kasalanan ko daw ako daw sisisihin huhuhu.

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganyan nangyari sa baby ko mii, inuubo at sinisipon nang isang linggo di nawawala. Puro kami nebulizer at antibiotic ni baby kaso di siya gumagaling. Tas yung MIL ko, nagsuggest na ipahilot si baby, pero malapit lang kasi yung pahilutan dito sa amin. At first nagdadalawang isip ako kasi nga mausok sa labas baka lumala ang ubo nya. Kaso nung nahilot na si baby, kinabukasan, nawala ang ubo at sipon nya. Totoo nga na pilay lang yun. Suggest ko sayo mii, yung manghihilot nalang sana ang lumapit sa inyo para di na kayo bumyahe nang matagal

Đọc thêm

isipin mo lang what is best for your baby, especially may medical advise ka from a doctor. pwede naman sila magbigay ng advise pero not up to the point na maninisi kung hindi masusunod ang gusto nila. always pray.

Đọc thêm

bakit iuuwi pa sa province nila na pagkalayo layo ng byahe kung pwede naman maghanap ng manghihilot dyan sa lugar ninyo o yung marunong maghilot ng pilay.. kung may pilay nga si baby