Welcome to the world My Little One. ❤️

John Mio Caliguiran 👦 DOB: October 09, 2020 @9:25AM (38weeks and 3days) Weight: 2.990 kgs Edd LMP: 10/19/20 EDD Transvaginal Utz: 10/10/20 Sharing my birth story... Oct.7, nagstart na makaramdam ako nang pagbigat sa puson ko, paninigas ng tyan at pananakit ng balakang to the point na hindi ako makatulog maigi sa sakit. Kaya pa naman kaya diko nalang pinansin yung sakit. Oct. 8, around 1am, nagising akong masakit ang puson ko at pati katawan ko na mabigat sa pakiramdam, may contractions kaso tolerable pa naman and feeling ko false labor lang, pero pagkaihi ko with bloody show na, kaya takbo agad sa Hospital kahit may kalayuan saamin, sabay text agad sa OB ko. Pagka-IE sakin dun 1cm palang, sabi ng nurse baka 3days pa ang aabutin paglabas ni baby. So, I decided na umuwi muna at pumirma sa waiver ng hospital. Kahit puyat ako, tuloy parin kinaumagahan ang lakad at squat na routine ko, naglaba at naglinis ng bahay , nag-mop at akyat panaog sa hagdan. Hindi ko nalang ininda yung contractions kasi baka false Labor lang talaga at yung spotting ko hindi rin nawala, at nag-assume ako dahil lang siguro sa pag-IE nila sakin kaya meron parin. Hapon nakatulog pako. Pagsapit ng 6pm, lakad ulit sa daan pero yung contractions naging madalas at hindi nawawala kapag nilalakad ko. Buti nalang may midwife na tita ang hubby ko kaya sakanya ako nagpa-IE, @7pm, 1cm parin. Medyo disappointed ako kasi akala ko may progress na. But yung contractions talaga hindi na nawala, naging madalas pa lalo at yung interval every after mga 10mins, hindi na naman ako pinatulog kaya sabi ko sa Mother-in-law ko around 12midnight yun, diko na kaya yung pain. At kahit hating gabi, sinundo nila yung kamag-anak nilang midwife para i-IE ako kaso 2cm palang so hindi muna kami pumuntang hospital at mag-observe muna. Tinext ko rin OB ko at ang sabi pa-admit na daw ako kaso di muna kami pumunta kasi 2cm palang. Oct. 9, mangiyak ngiyak nako sa sakit, ni kahit gustuhin kong matulog, di ko kaya kasi lalong sumakit pa at naging madalas pa lalo, ni hindi ko rin alam kung saan ako pupwesto. Nagdasal nalang ako at kinakausap si baby na huwag ako pahirapan at kung gusto mona lumabas baby, go lang. Kaso hindi kona talaga kaya. At kapag sumasakit, napapa-ire nako, at yung bloody show dumami na. Hindi narin umuwi yung tita niyang Midwife, nakipuyat din sakin at pati MIL ko. Then, around 5am na-IE sakin, nasa 7cm na agad at kapa na yung placenta. Takbo agad sa hospital na. Pagdating naman dun, dina ako makalakad ng maayos, sakit na sakit na talaga ako, diko na magawang mag-smile sa sakit at mapapaupo nalang ako sa gilid every contractions. Pag-IE sakin nasa 9cm na kaya diretso Delivery room nako. Hindi narin umabot yung private OB ko na magpapaanak sakin, kaya inendorse niya ako sa Nurse and Physician on duty. Hindi pa dun nagtatapos yung sakit. Pinutok na panubigan ko, yung ulo ni baby malapit na kaso nahirapan akong ilabas siya, sinasabayan ko ang paghilab at pag-ire kaso ayaw pa lumabas. Hinang hina na ako lalo't pagod at puyat pa, pero ang nasa isip ko kailangan mailabas ko si baby at kaya ko to. Imagine 2hrs mahigit ako sa delivery room, buti nalang mabait yung Nurse at assistant niya na parehong may edad na. Pinupush nila na kaya ko at hindi nila ako pinabayaan. Dasal nalang ang ginawa ko, sabay bonggang ire at fundal push kay baby ng ilang beses. And @9:25AM, YEY!! my Baby Boy is OUT.! 💕 Cordcoil ang baby ko, single loop kaya siguro natagalan pero thanks God, nakaya ko paring inormal at safe ang baby ko. Sobrang ginhawa nung mailabas na si baby at masarap sa feeling yung nakapatong na sa dibdib mo or kung tawagin UNANG YAKAP. Ni hindi kona ininda yung episiotomy na umabot hanggang pwetan ko, kay baby na yung attention ko. Super worth it talaga yung pain kapag lumabas na si baby at marinig yung iyak niya, lahat ng pagod at puyat pawi agad. Lalo ko tuloy nauunawaan yung hirap nang pagiging isang ina mula sa sinapupunan hanggang paglabas ay hindi madali kaya proud ako sa lahat ng Nanay na kinakaya ang lahat lahat. God bless and Praying to all moms-to-be na kaya niyo din yan tulad ko. 🙏❤️❤️❤️ #firstbaby #1stimemom #theasianparentph

Câu hỏi phổ biến