Finally

Jayden Spring a.k.a Little SIOPAO 3.7 Kilos via Normal Delivery DOB: May 20, 2020, 8:21PM Edd transV: May 31 Edd 2nd utz: May 22 Share ko lang experience ko mommies. Yesterday morning, humilab yung tyan ko, pinakiramdaman ko agad siya. Nasundan yung hilab after 30 minutes, then 1hour, then 15 minutes. Walang maayos na interval kaya sabi ko false labor lang. Buong maghapon wala naman ako naexperience na sobrang pain. Hihilab siya paminsan pero sobrang mild lang. Di na ko naglakad, naligo nalang ako sa ulan, yes mommies. Init na init kasi ako, tapos basa basa lang dito sa page. At 6:30pm humilab na naman siya and that time medyo mahaba, siguro mga 30seconds pero bearable siya, so di ko pinansin. Nasusundan yung ganung hilab every 7minutes. Sabi ko sa mister ko punta kami sa lying in para makapagpa'IE ako kasi medyo naiinis na ko dahil di nagtutuloy yung hilab ng tyan ko, niloloko kako ako ni baby. Sabi din kasi ng ate kong pharmacist e baka naglalabor na ko, di ko lang maramdaman ng todo dahil sa buscopan na iniinom ko 3x a day. 7:20pm nakarating kami dito sa lying in. Pagka'IE sakin 8cm na ako ? di na ako nakauwi. Wala pa rin unbearable pain. Nagtanong yung midwife kung pwedeng kumain muna sila kasi sobrang wala pa silang pahinga buong araw sa dami ng check ups. Ako pa nagsabi ng "take your time" haha. Nakaupo lang ako, di nila ako pinaglakad lakad kasi baka biglang malaglag daw si baby ? 8:05PM natapos sila kumain then pinapasok na ko sa delivery room. 9cm na, pumutok na rin panubigan ko pero wala pa rin pain. Sinabihan ako ng midwife na bigyan ko siya ng tatlong magandang ire pag humilab, siguro mga 5 minutes pa lumipas bago siya maghilab ? twice namin hinintay. Basta paghilab umiire ako, yung walang ingay tapos mahaba. Ayun, tatlong ire lumabas na si baby. Sobrang thankful ako kay God dahil di ako nahirapan, di ko naexperience yung napakatagal na paglalabor ng masakit. And sa mga mommies na malapit na din manganak, kaya niyo yan. Sundin niyo lang sinasabi ng OB or midwife para di ma'prolong yung pain. Salamat din sa page na'to na araw araw ko talaga sinusubaybayan ??

51 Các câu trả lời

Congratulations momshie! I'm 39wks and 4 days based sa BPS, 37wks sa Transv UZ. Ako din I feel na nag tighten ung Tiyan ko na Parang naninigas, pero inconsistent. Saka bearable ung pain. Now may check up ako sa OB, Sana ma-iE na ako. Sana ganyan din ako. God bless 🙏

VIP Member

congrats po 💓🤗🤗 sana makaraos na din kami ni bibi ko.... 💓 habang tumatagal natatakot ako lumabas 😂 . 💓 sana mailabas ko na sya kahit 1 week advance ng due. hehe.. god bless you mumsh 🤗

Congratulations mommy and welcome to the world baby🥰 Sana all😄 EDD: September 24.. Sana matapos na 'tong pandemic para makapasyal2x muna kami bago ako manganak.. Enjoy your baby..😍

Congrats.. Yan gusto qng date na ipanganak lo. Ko kso lumabas sya ng maaga.. 18 of may sya lumabas.. Same din sila ng kilo ni baby ko.. Btw. Congratulation mommy ..

sana all saglit lang maglabor ako kase 2 days and 8 hrs naglabor sa 1st born ko 😪 sana sa pinagbubuntis ko ngayon di ako mahirapan ipanganak to 😇🙏

sana all saglit lang maglabor ako kase 2 days and 8 hrs naglabor sa 1st born ko 😪 sana sa pinagbubuntis ko ngayon di ako mahirapan ipanganak to 😇🙏

Congrats po... Sana ako din kahit 3.8 kg na si baby based s a ultrasound ko kahapon maging normal lang din and easy ung delivery ko. May 24 due date ko.

congrats po ang swerte nyo po at hindi nahirapan plgi po ba kyo nglalakad lakad? poblema kopo ako maliit sipit sipitan sabi ng ob.

Congrats! Ako din di nagtutuloy tuloy yung paghilab. Para din ako inaasar ni baby. 😂 39weeks and 4days na ko via transV

Congrats momsh🥰 39w4d nako wala padin sign of labor :) May31 ung duedate ko sa ultrsound Waiting padin ako☺️

Sa midwife po kasi momsh ung bilang is sa may25 due date ko sa ultrsound naman po is may31 :) kaya binabase kunalang po sa ultrsound pero dito sa apps is may25 😀

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan