Experience ko sa First Check up ko
Ito po yung first time kong test sa Rural Health Unit, nag test po ako ng Ihi at Dugo. Ang sabi po ng Midwife sa akin hindi daw po consider ang test ko sa Dugo na buntis ako 🤔 sabi ko po sa isip ko 'Eh ano pala?' pero kinonsider nya na buntis ako dagdag pa nya "May laman ito, buntis ka" nag-tataka naman ako bakit parang napilitan lang sya sabihin na buntis ako kaya tinanong ko na sakanya "Buntis po ako?" Sabi nya "Hah?" Inulit ko ulit "Buntis po ako?" "Oo, may laman" doon na nag sink in sakin na buntis ako pero processing pa din sa utak ko "Pwede po bang malaman kung ilang buwan na po?" Ang tanong ko sakanya "Kelan ba huling regla mo?" "March 27 po ineexpect ko na reglahin po ako pero hindi po ako dinatnan" kaya nag bilang sya ng May 27, 2020 up to July 05, 2020 kaya ang sabi po nya "Mag tatlong buwan ka palang" sabi ko sa isip ko 'Huh? Mag tatlo palang?' sabi ko nalang "Okay po." Pagkatapos nun binigyan nila ako ng Ferrous Folic Acid. Hindi ko alam kung matutuwa o magtataka ako ang dami kong tanong ; Kinonsider na buntis ako? Bakit? Hindi ba pasok sa dugo ko yung test na ginawa? ; Mag 3 months palang sa July 27, tiyan ko? Eh ang laki para sa mag 3 months palang? ; Mga momshie's pahelp naman po sa test ko ng dugo kung talagang buntis po ako para po kasing napilitan lang yung midwife sa sinabi nya sa akin. ; Pag po ba nag pa transvaginal po ako malalaman ko po ba kung ilang weeks/buwan na si baby ko?
First time being a mom