May UTI ba ko?
May infection po ba ko sa ihi? Wala kaseng nabanggit OB ko kanina, pero based sa result, sa bacteria (FEW) raw. If tama pagkakaalala ko, pag nagkakaUTI ako, sa bacteria nagbebased if may infection. Baka di nabigay nung secretary nya yung result.
Una po Mi, dapat walang albumin/protein sa ihi natin (buntis or hindi) kasi may relationship po yan sa pagtaas ng bp, kidney injury, dehydration or infection. Pangalawa po, dapat po di turbid (medyo cloudy o malabo) ang ihi, may possible infection po, dapat po clear. Pangatlo po, yung may mucous threads, dapat po wala nyan sa ihi kasi indication po ng stones (some patients po) or infection, again Pangapat po, yung epithileal cells, dapat po hindi "many" kasi normal naman na may nasasamang ganyan pag umiihi, dapat po very few o few lang Better have it analyzed mismo ni OB mo, para mabigyan ka ng tamang management. Godbless po.
Đọc thêmYes meron po, 0-4 ang normal. Mild lang naman pero kung buntis kayo better po ipaconsult agad sa OB. Traced dn ang protein dapat negative po yan
True. Kaya Mommy, better pacheck up kayo agad kay OB para mabigyan kayo ng tamang gamot po. At sundin po ang payo ng doctor
same po tayo .. trace ang protein pinag antibiotic agad ako .. cefuroxime twice a day for 1 week .. then lots of water po..
trace po ang protein better watch out ang bp and pamamanas. paconsult nyo po sa OB nyo para maagapan.
maliit po kasi lang dapat ang nakakalabas na mga bagay sa daanan ng ihi medyo abnormal po pag may mga lumalabas na tulad ng protein sugar o wbc at rnc ibig sabhn po may infection. pag po napabyaan pati ang protein sa ihi at nasamahan ng pamamanas at highblood medyo delikado po sa pagbubuntis kaya agapan na po, di naman po sa tinatakot ko kayo pero para po sa kaalaaman ninyo.
Preggers