57 Các câu trả lời
Sabi ko nun sa mama ko "Ma may sasabihin ako" "magiging lola ka na" nashock mama ko d makapaniwala, naiyak at nagalit.. pero sinuportahan pa rin naman pregnancy ko at excited pa makita apo nya.. maiintindihan tayo ng parents natin so better tell them kasi sila din unang una tutulong satin
Kahit po anong paraan ng pagsasabi mo, walang magulang na hindi magagalit pag nabuntis ang anak nila maliban na lng kung kasal ka na. Pero sa simula lang naman po yan, hindi ka nila matitiis. Mapapatawad at mapapatawad ka parin nila. Lakasan mo lang ang loob mo at magpakatotoo.
Sabihin mo po mas maaga, walang ibang tutulong sayo kundi sila din. Magagalit siguro una, pero on my experience di sila nagalit. 6mos na tyan ko nung naamin ko and tuwang tuwa sila na nainis kasi bakit hindi ko daw sinabi agad.
Pray and accept whatever the result of ur consequences.. Una mahirap pag di nla tanggap. Kaya tibayan mo loob mo. Magdasal ka na bgyan ka ni God ng lakas ng loob at wisdom na gumawa ng desisyon para sa ikabubuti mo at ni baby.
Ganyan din ako. Pero sinamahan ako ng bf ko na sabihin sa mama ko. A week after malaman namin. Natakot ako kasi sobrang taas ng expectations ng magulang ko sa akin. Sobra. Pero naging happy naman yung mama ko.
me lakas ka po ng loob na gawin yan at ginusto mo po kaya sana me lakas kadin ng loob na sabihin sa mama mo ung resulta tanggapin mo kung anu mgging reaksyon nya. mgging okay dn po yan sa huli.. baby is a blessing kc😊
Pinakita ko lang sa mommy ko PT ko. Ayun. Sandamakmak na sermon. Hehe. Ganun talaga magagalit talaga sila at di matatanggap sa una. Pero sa una lang yun. Tamo pagtagal tagal mas sabik pa sila sa apo nila.
Saaame.. Hehe
Kanino ka mas close? Or sino mas open sa parents? Sya una mong kausapin. Hopefully matulungan ka kausapin yjmung "more difficult" person or at least sa pagprepare. Mas okay na ba isa2 muna
Opo thank you po sa mga kapatid ko po na babae muna ang nakakaalam.
Talk from the heart nalang sis. Andyan na yan eh. Kailangan mo talaga masabi yan. Be ready nalang din kung ano magiging reaction nila ang importante malaman nila nang mas maaga.
Ganyan din sitwasyon ko nun bago ko sinabi ky mama na buntis ako at matagal niya ng tanggap. Hinihimas himas niya din yung tiyan ko excited na siyang lumabas yung apo niya.
Anonymous