CAN'T DECIDE

Hi! I'm a first time mom and breastfeeding mom din. Matatapos na maternity leave ko on march 25 ? ayoko na bumalik ng work kasi ayokong iwan baby ko ? tatlo lang kami sa bahay, si hubby ako at si baby pero willing naman si MIL magpunta punta sa bahay para alagaan si baby habang nasa work kaming magasawa. Ang kaso, ayoko talaga iwan si baby, ang hirap, ang sakit sa dibdib hahaha.. tsaka syempre may mga kinaugalian na pagpapalaki noon na hindi na applicable ngayon at d ko ginagawa.. hindi ako naglalagay ng manzanilla, bigkis at pulbo kay baby. Ako at si mister hindi namin hinahalikan si baby sa takot na magka allergy sya or worse yung gaya sa mga nababasa ko sa social media na nagkakaherpes or kung ano anong natubo sa face at bibig ni baby. Kung magwowork aq at iiwan ko kay MIL, hindi ako sigurado kung susundin nya ung mga ayaw at gsto naming magasawa.. nanggigigil nga sya kay baby eh gustong gsto halikan pero sinabihan ni hubby na wag munang hahalikan.. eh pano pag wala kami xmpre walang mgbabawal sknya.. nagwoworry ako.. one time pa nga nung nasa bahay sya at pinapaliguan ko si baby, umiyak si baby, inawat na nya ako agad sa pagpapaligo, konting buhos lng daw ayos na eh jusko ung mga germs at sabon d pa nga natatanggal.. ayaw nya kasi ng naiyak si baby ng malakas natataranta sya ? parang hindi nya pinagdaanan noon.. tapos breastfed pa si baby, di ako sure kung tama ba gagawin nyang procedure pano mapapainom ung bm ko kay baby.. pero higit sa lahat na dahilan ko, gusto ko kasing sakin nalaki anak ko. Sakin sya matututo pati ng disiplina.. ung MIL ko kasi d marunong magdisiplina eh, ung 2 apo nya na sakanya lumaki ayun napakatitigas ng ulo d mapagsabihan o masaway at nalaban pa kht sknya mismo.. hinahayaan nyang sipasipain sya at palupaluin nung apo nya na un.. ayokong lumaki ang baby ko ng ganun.. ? kaso pag di naman ako nagtrabaho, walang katulong si hubby sa mga bayarin.. di nya kakayanin magisa, bahay palang nmin monthly is 18400, may tubig kuryente motor at internet pa.. sabi ni hubby pag d na daw aq magwowork magaapply sya sa ibang bansa.. ayoko naman.. aalis sya iiwan nya kaming magina d nya mawiwitness paglaki ni baby at ung mga firsts ni baby.. gusto ko intact kaming 3.. gusto ko lumaki si baby na kumpleto magulang nya.. hindi gaya ko ? Baka po may maiaadvise kayo mga mommy...

2 Các câu trả lời

VIP Member

hanap ka na lang po extra income para kahit nasa bahay ka lang may pandagdag gastos kayo. Mas masarap talaga alagaan ang baby sa first three years nya kasi andon mga importanteng milestone nya na sobrang nakakatuwa. Hindi po kayo pwede makahanap ng medyo maliit liit na renta ng bahay. Bawas bawasan lang po expenses para sumapat sa inyo. Konting sacrifice muna paglaki ni baby pwede ka na ulit mag work. Or try ka p mag homebased.

Thank you po momsh!

VIP Member

Yung MIL ko nmn sinabihan na namin na wag ikiss, kiniss padin. Hays. Di mapagsabihan. Nakakainis pag ganun 🤦🤦

Kaya nga eh.. tayo ngang sariling magulang kahit gstong gsto ntin nagpipigil tau

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan