Im 6mos preggy now, FTM at may almuranas before pa ako nabuntis. Nung natapos na ung pagsusuka ko at pagka maselan sa pagkain, duon na ako nakabawi ng kain. Pero yun din pala yung time na mararanasan ko na humirap akong makatae. As in umiiyak ako dahil hirap na nga makapagbawas. Yung tipong lalabas na pero hindi mo maibuka yung butas sa pwet dahil nga parang may mapupunit. May time pa na nag suppository ako, nung nakaraos na saka dumugo at namaga. For 2 weeks, halos every 3days lang ako kung makapag bawas. One time talagang stress na stress na ako at hirap na talaga may nag banggit sakin na uminom daw ako ng bear brand sterilized every morning, yung wala pang laman tiyan ko. From that day, Thanks God at magiisang buwan na ako na araw-araw na nagbabawas, syempre sinasamahan ko ng madaming tubig. At yun na nga, effective. ?
Kaya tip lang sa mga momshie na humirap magbawas, try niyo lang po ng ilang araw baka sakaling makatulong. Medyo may kamahalan, pero makakaraos ka naman. Hehe. ?
Jodie Miguel