IS IT TOO EARLY?

Hi, I'm 26 weeks preggo na po with my first child and hindi pa kasi ako pinapayagan ng biyenan at lola ng asawa ko na mamili ng gamit ni baby. Pag 8 months or 9 months na daw kasi masama daw baka mawala si baby. Totoo po ba yung pamahiin na yan? Gusto ko na kaso mamili ng gamit para hindi nagagastos sa wala yung pera.

74 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Namili na ko 5months, para sakin kasi nasa prayers yan hindi sa paniniwala or pamahiin, kung iisipin mo kasi na mawawala si baby pag namili ka, matatakot ka maiistress ka at kung ano ano papasok sa isip mo hanggang sa mawala nga Baby mo, mind over matter, ngayon nanganak na ko 36weeks and 6days pa nga ko nanganak saktong nabuo ko na ang gamit ni baby kasi napaaga sya lumabas pero super healthy nya kung di ako namili agad edi wala gagamitin baby ko at kung isang bagsakan pamimili ko for sure di ko mabubuo agad gamit ni Baby ang sakit sa bulsa ng isang bagsakan kasi kahit magtabi ka ng pera magagastos at magagastos mo yon kasi buntis ka madami kang needs

Đọc thêm

Kapag nalaman muna po ang gender saka ka po mamili ako nung malaman ko gender ni baby nag start nako mamili ng gamit from small things like clothes and etc. Then kapag 8mos kana dun kana mamili ng mga crib,stroller at etc. Mabigat kasi sa bulsa kapag isang biglaan .. almost 1month kuna naiipon mga gamit ni baby paunti unti lang pero halos naka 15k nako .. may mga kulang pa na gamit namin, mahirap talaga kapag biglaan .. ako nga iniisip kuna magagastos namin sa panganganak ko masakit sa ulo .. kasi yun talaga need din paghandaan

Đọc thêm

Hindi totoo Yan. Yan din Sabi ng byenan ko pero hindi ko sinunod. Mahirap maghabol ng Oras at mamili ng biglaan dahil Hindi mo masasabi Kung kailan lalabas si baby pwedeng mas maaga sa edd, mahirap Naman i asa sa iba Ang pamimili at maka abala ng iba. Magtiwala sa panginoon. Sinabi ko Yan sa husband ko nung sinabi na wag muna ko mamili ang Sabi ko mas malaki ang faith ko Kay lord. Walang masama Kung magiging handa especially Wala Kang ibang aasahan kundi sarili mo.

Đọc thêm

pamahiin.. trust me mabilis lang ang panahon habang maaga pa paonti onti mo nang kumpletuhin gamit ni baby kse kapag 7to9months kapa bibili mahirap kase dapat yung time na yun rest ka nalng sa bahay. and para mabawas bawasan din iniisip mo, ako nun parang di mapakali kakaisip nang mga gamit ni baby. basta mga importante lang uunahin mong bilhin yung alam mong kailangan na kailangan na gamit

Đọc thêm

Naku mommy madaming mami-miss na good times kayo ni baby kung masyado maniniwala sa mga matatanda. Unless may basis naman sinasabi nila. As long as you're over the 1st trimester and hindi naman maselan pagbubuntis mo, wala naman mangyayari kay baby kahit mamili ka ng gamit (medyo wala din connect. Haha). Be positive. Kung gusto mo na mamili, go mommy. Para hindi rin kayo mabigla sa gastusin.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Walang masama mamsh sa pamimili lalo na at alam mo na ang gender ni baby so you can pick the appropriate colors and design ng mga bibilhin mo. Hayaan mo lang ang sarili mo na mamili, trust it me it will make you happy. And ang happy mom, may happy at healthy baby sa sinapupunan hehe. Please subscribe to our channel: https://youtu.be/AEhGvE-2fUM Thank you 😍

Đọc thêm

5month palang sis kumpleto na gamit ni babay ko kahit january pa duedate ko. Yung byenan ko din di naniniwala jan nakailang anak na daw sya wala naman daw ganun nangyari kasi mas maganda maaga para wala kana iisipin. Siguro si mother mo lumaki talaga sa pamahiin kaya naniniwala nalang din at takot din. Pero nasasayo naman yan sis kung sino masusunod sa inyo

Đọc thêm

nq aq sis 19weeks p lng kumpleto n ang saya saya kaya mamili momshie, minsan nga n papa over xa gas2s saya mamili at tumingin xa shopee or lazada pero iniisip q nmn if tlga bng needed pag nka pag deside nmn n hnd tinatangal q xa cart actualy alcohol at bulak n lng wala q at diaper meron ng lahat,...

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hindi naman. Okay nga yon nakakaipon ka na gamit eh. Ako inunti unti ko para alam ko bibilin ko kung worth it ba. Tsaka do some research rin ng mga needs and hindi needs. Minsan kasi na cu cutan lang tayo sa itsura kaya gusto na natin mamilim pero di naman pala worth it pag lumabas na si baby

Ako nag start 7 months, ndi pa din kompleto, mjo pricey n kc ung iba. Kaya dpat mag start kna sis, turning 8 months n ako at grabe sobrang hrap mamili kc laki laki ng tyan ko, maya't maya n lng may nagtnong kung kelan anak ko, kung ilng months n. Hindi tuloy mkpag concentrate s pamimili.