Preggy things

Ilang months na ang tyan nyo mga mommy noong nag announced kayo na buntis kayo? #firstbaby #pregnant

25 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

7months na ko ngayon, at ayaw kong e announce kasi ang daming toxic although sinabi ko nman sa mga close friends ko (not even posting sa social media). But depinde yan sayo kung open ka, ako kac very private. Ang hirap ng marami nakakaalam lahat may sasabihin. In my case yung sides ni hubby ang marami nakaka-alam tapos ito mga nadinig ko "ang liit nman ng tiyan mo, kumain ka nman para lumaki tiyan mo, bakit ang sensitive mo eh yung mga kilala ko hindi nman ganun katagal pagsusuka" Panay comparison. Hindi lahat ng tao may care sayo, most of them nakikichismis lang kahit kadugo mo pa 🤭

Đọc thêm

It wasn't a secret but I never made an announcement. Nagsabi agad ako sa immediate family ko nung nagpositive PT ko but other than that, wala na. Never ako nagpost sa social media about my pregnancy so a lot were surprised nung nanganak na ko. In general, it was an "if you ask, then I'll tell" situation. Wala naman right or wrong timing, I guess it really depends on how private of a person you are ☺️

Đọc thêm

Pinaalam lang namin agad sa immediate family and close friends. Ayoko ipost kasi nung time na buntis ako, andami kong FB friends na todo post agad ng mga PT nila tapos weeks after nakukunan. Nagsimula ako mag drop ng hints after ko magpaCAS ultrasound, kasi minake sure ko muna na ok lahat kay baby. Tapos nung bday ko, sakto 6 months na si baby, dun ko lang nireveal sa socmed na buntis ako haha

Đọc thêm
2y trước

same tayo,mostly immediate family lang may alam at ilang kapitbahay n kaclose ko 6 months n ako nagpost s fb after ng Cas result at isinabay ko n lang sa bday ng asawa ko

Ako di nag announce sa marami. IG story lang na may konting seen. Tapos sa gc lang ng barkada, chat wt close friends and then malapit na family, area lang sa work. Pero sa relatives wala. Hahahaha wala din sa fb or sa talagang public. Ayoko ng toxic eh. Di naman sila magbibigay ng pangvitamins ko magmamarites pa. Hahahaha though 3 mons na si baby sa tummy ko today. 💕

Đọc thêm
2y trước

ang mahirap pa dagdag stress lang yon, mas okay pag tahimik nalang 💕

Thành viên VIP

Pagtapos ng 2nd trimester namin na announced, nakunan kasi ako sa 1st pregnancy which is sobrang aga namin na announced sa family and friends right after ng pt and 1st check up nachuchu na sa friends. Nakunan ako around 8weeks. Kaya sa 2nd pregnancy make sure muna namin na no complications. And my go signal na ni ob na iannounce namin.

Đọc thêm

the next morning after ng bday ko nagtry ako mag PT kasi one month ako d dinatnan. shocked ako na nagpositive so it was my greatest gift. 2 days after tsaka ko sinabi sa asawa ko then nag inform dn agad ako sa HR namin. pero after a month pa kmi nag announce sa FB 😊

7mons tsan ko bago ako nag post once nga lang un, natakot ako overwhelmed nung nag post ako dati pero namatay twins ko. nung na nganak naman na ako hindi ak9 nag ppost mukha ng baby ko hanggat hindi pa nabibinyagan. puro kamay paa lang.

15weeks na ako nag announce na pregnant ako. hinintay ko talag matapos ang 3mos . pero nung mga 2 mos palang tiyan ko family lang talaga ang naka alam at sabi ko sakanila wag muna ipasabi at mag hintay na ako mismo ang mag announce

Influencer của TAP

nung una iilan lng may alam yung mga usual lng na nakakakita sken tpos nung sinabe ko sa parents ko and relatives tpos na ang first trimester ko and malakas na heartbeat to make sure na din

right after na malaman po namin magasawa na buntis ako, sinabi na agad po namin sa family at pastors namin dahil nagpepray po agad kami na mabuntis agad ako right after the wedding.