Preggy things
Ilang months na ang tyan nyo mga mommy noong nag announced kayo na buntis kayo? #firstbaby #pregnant
3 months ako nung nag announce thru Fb, nakunan kasi ako sa 2nd pregnancy ko na after PT nag announce ngaun naging maingat na ko 😊 6 months si lo ko ngaun
7 weeks pero sa parents at close friends ko lang sinabi. Dko na pinaalam sa buong angkan,mga chismosa sila eh feeling perfect dami sabi kala mo kung sino.
samin mamsh after 1st trimester. pero ung family namin alam na nila sinabi namin onced confirmed and may heartbeat na (1st ultrasound)
Akala ko UTI ung pala buntis na 2 months na nakasakay pako ng viking non bday ko pa hahaha thankyou sa gift Lord 🤍🤍🤍
7 weeks, sakto new year haha pasabog talaga sa both sides ng family pero ang happy haha dami namin support system. ☺️
close friends and family lang nakaka alam..nito 3rd trimester n ko chaka lang ako nag popost ng mga maternity photos
Sabi ni OB 20 weeks daw po yung medyo safe na. Iwasan daw po mag announce ng maaga kase yung iba nauudlot
Hindi ko pa alam. 8 weeks ako now pero wala pa rin ako idea kasi ako at bf pa lang may alam 😬
dipende sa mga chismosa dito samin mi hahahahaha nauna pa mag announce kesa sakin 😂
sa panganay ko 5months na tiyan ko , tapos ngayon 1 month na nung sinabi ko