baby essentials
Ilang bwan po kayo nagstart bumili ng mga needs ni baby?
5-6 months pag alam na ang gender para pag bago ka manganak hindi mabigat maglabas ng pera sa kulang na gamit ng baby. kasi kung bibilhin mo yon ng isang bagsak ay dai sakit sa bulsa. nakaka 20k+ na kami gamit palang ng baby. di pa kasama dun ang mga check-ups, gamot, vitamins, ultrasound, preggy's milk.
Đọc thêm31weeks here ngayon pa lang kami namimili paunti unti. Advise ko sayo momsh basta alam mo na gender ni baby pwede ka na mamili. Kasi nung namili kami sa sm, 9k mahigit nagastos. Kulang pa yun. Para hindi mabigat sa bulsa 😅
3 months momsh haha ksi baru-baruan naman binili ko 😂 dba all white naman yun. Pero 6months palang talaga nagstart magipon ng mga essentials. Damit di pko bumili ksi dami nagbigay eh :)
6months pero dahil sobrang excited ko after 3 weeks nakumpleto ko na mga gamit nya haha halos aras araw may delivery na dumadating sa bahay from shoppee and lazada.
7 to 8 months po. Paunti-unti lang po kasi ang bili namin para hindi masyadong masakit sa bulsa. At para hindi din mahirap bitbitin pauwi.
Mas maganda po maaga mag unti unting mamili para di mabigla sa gastos :) chaka search ng mga reviews para sure na di sayang
Sakin dati sa sobrang excited 5 months palang namili na kami kaya ngayon konti nalang po talaga yung bibilhin namin. Hehe
Mag 7 months na ako now ang nagstart na ko magbuy.. pero pakonti konti palang. As soon as nalaman namin ung gender
Ako at 5 months. Kasi mommy pag nasa 8-9 months na bumili nako ang hirap ng maglakad.
Turning 5mons/22weeks ako nag start bumili ng gamit namin ni baby nun