Baby Essentials

Hi mga mi. Turning 28 weeks na ako. Super excited na bumili ng baby essentials lalo at 10.10 sale. 😂 Kaso nabobother ako sa sinabi ng katrabaho ko na may pamahiin daw na wag muna bumili agad ng baby needs. kapag 7 turning to 8 months na daw. Kayo ba, ilang weeks kayo nagstart bumili? #babyessentials #firsttimemom

29 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Medyo maselan pagbubuntis ko simula 2nd tri kaya lahat ng pamahiin sinunod na namin para kay baby... 8mos na kami namili ng things ni baby and ang consequence non mamsh di mo po ma enjoy yung pamimili kasi ang bigat na ng tyan, nakakapagod na ibili at ikot sa mall tsaka pag mag online ka naman may worries ka na baka di pa dumating or nalabhan yung items eh naanak kana 😅. Ang ending, di na ako na hands-on sa baby things kasi pagod at si baby yung prio ko. Si hubby nalang bumili lahat ng di ko nakaya ikotin sa mall. Na miss ko yung part na i enjoy ang pamimili ng things ni baby as a first time mom. Sadt pero prio si baby eh 💕

Đọc thêm
2y trước

Trueee mmy. Nakakaguilty yung part na "cramming" kana at mabilis na mapagod 😅

Much better nga ganyan na 7mos bumili lalo na kung lam mo na gender😆 loka yung kasamahan mo anu kelan ka bibili pag kinabukasan manganganak ka na?? Kelangan may mga gamit ka na lalo na mga ipasusuot kay baby lalabhan mo pa yun at ipprepare ang hospital bag kaya yaan mo siya paniniwala niya yun kanya na haha. Gora mamili ka na mii ganyan 7mos din ako namili sabay2x sa gamit ng baby ko.. At sa shopee at lazada lang din para iwas sa dami ng tao sa mall

Đọc thêm

ako po nagstart mamili ng baby essentials turning 4 mos yun tyan ko. tapos ngayong 6 mos naman, bumili na kami ni hubby ng crib and yung matress para sa crib. tapos may mga binigay na rin samin na baru-baruan yung mga tita namin both sides. binabawal nga kami ng lola ni hubby kasi maaga pa raw at baka raw mamaya eh mawala pa yung baby na dinadala ko pero deadma lang kami ni hubby kasi kami naman din yung gumagastos in the first place eh hehe

Đọc thêm
2y trước

true mi, basta doble ingat lang kayo ni baby palagi. saka mas ok mamili paunti unti para di kayo mabigla ni hubby mo

28 weeks na din ako halos complete na gamit ni bebe ko by next week haha..bathtub nlng at 1 pirasong feeding bottle ang kulang. Although maunti lang naman pinamili ko as in essentials lang nya..nakatulong ung panunuod sa youtube ng mga regrets in buying sken dti kae abot ng 20k ung lahat ng bblhn ko ngayon 5k nlang 🤣 muntik na ako mabudol ng pinterest at ng kung ano anong mggndang bagay na hindi pala super need ni baby.

Đọc thêm
Influencer của TAP

Wag maniwala sa pamahiin, ako po start ng 5 months paunti unti ng bumili ng gamit ni baby. Mahirap kasi biglaang gastos kung one time ka bibili at least na babudget mo pa ang gastusin. Go ka lang, part of pregnacy ang maging excited sa mga gamit ng baby. Kahit nga pang 3rd baby ko na ito super saya talaga na mamili ng things for our lo.

Đọc thêm

Hello mi, same tayo 28wks din ngayon.. and ngayon plng kami ngstart mamili ng gamit ni baby, this 10.10 sale hehe Tapos aun narealize namin dami pa nga namin kelangan bilhin haha Nagstart plng kami sa: Diapers, baby wipes, baby wash, trolley organizer, newborn clothes 😊

Đọc thêm
2y trước

yung sa tiny buds yung binili kong laundry wash mi.

Influencer của TAP

Ako mi, 16 weeks lang ako ngayon, nag-start na magpaunti-unti. Ayoko kasi maghabol kung kailan malapit na at mahirap na maglakad-lakad ng matagal at para na rin wala akong makaligtaan pero kung kaya nyo magbiglaang pamimili, okay lang din naman po yun.

Hindi po totoo yung pamahiin na yun momshie. 3 months pa lang akong buntis noon namili na ako. 2 yrs old na po anak ko. Kung hindi ko po iyon ginawa hubo po anak ko kasi biglang naglockdown nung 6 months na ako haha sarado lahat ng mall or tindahan.

hnd yan toto sis. Depende yan sayo if mejo tight ang budget mainam bumili ng maaga pero if may pera ka at kaya mo ng isang bagsakan edi go. Basta 2months before due date mo naka prepare na gamir dpt

Thành viên VIP

Ako i will start buying my baby's stuff sa 11.11 sale hahaha. Inantay ko talaga malakihang sale. Pag turning 8 ka na dapat may gamit na si baby kahit pano kasi, God forbid, mag pre term ka, ano gamit ng baby mo?

2y trước

oo nga mi eh. ako naman nagstart ngayong 10.10. ititiming ko mga checkout pag may sale haha.