Patulong

Ilang beses na akong sinipon simula nung nag buntis ako. Di naman ako umiinom ng mga gamot kasi bawal daw sa buntis. Tanong ko lang kung magkakaron epekto sa baby kapag sinisipon lagi ang mommy? Ano bang pwedeng ibang gawin para mawala to. Sakitin ako simula nung nag buntis ako eh. natatakot na ako baka maka apekto na sa baby yung sakit ko.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Wala namang epekto sa baby ang sipon. Medyo mababa talaga immune system ng mga buntis kasi natural response yan ng katawan natin kaya prone tayo sa mga common colds and infection. Uncomfortable lang talaga siya para sa mother and tama ka, di talaga tayo pwede uminom ng meds di kagaya nung hindi pa tayo buntis hehe. Advice ko, more on water intake lang tsaka kain ka ng foods rich in vitamin C like orange or lemon. Pag masakit din lalamunan mo, mag gargle ka ng asin na dinilute sa water or salabat. Pangit ang lasa pero sobrang makakatulong sayo. :)

Đọc thêm