281 Các câu trả lời
21 years old din ako sis dun sa first baby ko and now I'm turning 26 this august at si panganay ko 4years old na and I'm 2 and half months preggy😊 mas mabuti sis kung bago ka magbaby ng second lagi mo kausapin si panganay kung gusto na nya and ipaalala mo sa kanya na magiging kuya/ate na sya kapag nagkababy ka ulit. like my son happysya kasi magiging kuya na sya. He's 4 pa lang pero may isip na sya na tutulong sya sa pagaalaga sa soon to be kapatid nya❤
Samin ng brother ko 3 years gap namin. Kaya nung nagcollege kami sabay nahirapan parents ko at tumigil ako. Inantay ko muna sya makatapos hehe. Kaya nung nagkaanak ako. 7 years gap. Hindi na asikasuhin pa. Nauutusan na since my hubby is an ofw. Tapos whole day sya sa school. Most of the things kaya na nya gawin eh. Kaya hindi hirap. At pinakaimportante pag nagcollege sila. Tapos na si panganay tsaka papasok si pangalawa 😂
Actually depende po sa readiness niyo siya. Madami dapat iconsider like finacials niyo. Emotinally ready kana ba? Mag aalaga specially if may work ka. Ako 12 years gap kasi gusto masiguro na kaya ko panindigan mag anak ulit ng isa pa. Maaga din ako na preggy sa panganay ko. 21 lang din ako unplanned hehe. Kaya yung 2nd gusto ko lahat ng kailangan nilang dalawa mabigay ko
For me mas prefer ko na 4-5 years ang gap. Ganoon din kasi yung gap namin ng mga siblings ko. Mas matutukan yung mga kids kasi by 4-5 years, di na sila ganun kadependent sayo and mas matututukan na ang newborn. Mas mapoprovide din lahat ng needs ng mga bata. Mas magkakaroon din ng mahabang time na magheal yung body ng mommy and di sila magkakasabay sabay sa college. 😂
Hi Mommy dapat 3years or mas mataas padon. Or depende sa gusto niyong mag asawa. Pwde ding nakapende sa sitwasyon niyo. Mas malayo ang agwat nila mas maibibigay niyo ang pangangailangan nila. Hehe mother of 2 kase ako. Panganay ko mag3sa feb bunso ko kaka 1 palang. Sobrang hirap ng ganon kase as in parehas pa silang baby kaya parang kambal ang anak ko .
Bata ka pa naman po sis..kaya pwde naman kaht 5 yrs.. Para ienjoy mo muna c baby.. Ung maalagaan mo sya at makapagbonding kau ng maayos.at kaht papaano ung maibgay mo pa ung gusto na. Hnd lng materyal na bagay kundi ung atensyon. . Bago masundan ulit..kasi kapag nasundan agad mas nasa maliit na ung atensyon mo..
i agree wd u sis..
Depende naman sainyo yan mommy. Ako kasi iniisip ko na atleast 3 or 5 years para pag nanganak ulit is medyo marunong na panganay, di na alagain. Plus it helps sa pag budget ng education fund in the long run (ie. di sila sabay mag highschool or college, makakaipon muna).
kung normal delivery lagi and me kaya naman sa buhay mas mainam na sunod2 🤣.. pra ksabayan mo ng lumaki ang mga anak mo.. mahirap din ang magplan na pagnsa edad na🤧.. iniisip mo kung makkita ko pa ba silang maggraduate ng college or magkapamilya🤧
4 years po ang pagitan ng mga anak ko at thankful ako mommy na sobrang ok sya. Nursery panganay ko at naaasahan ko na sya tumulong sakin sa pagalaga kahit simpleng pagtapon ng diapers, pagpunas ng lungad, pagpapadede kay baby pag babanyo or may gagawin.
Plano namin ni hubby 4-5years. Depende kung kaya ko na daw and kung kaya na ng budget. Unahin muna namin ang pagbukod 😊 21 din ako nung nagkababy kami. 2yrs old na baby namin now. Maganda pong pagplanuhan muna lalo po sa panahon ngayon. Godbless 😘
Geodiffer Silungan