same story , may pcos ako pinag take ako ni doc ng lizelle pills para ma curr yung pcos ko , tsaka pinag diet din ako. last take ko ng pills august 2019, that month nagka dengue din ako 1 week ako naka confine, yung one week na yun, yun din yung last menstruation ko. The next month, September di na ko nagkaroon di ako nagtaka kasi iniisip ko baka dahil natigil yung pills ko, dumaan ang october november until december di ako nagkakaroon, di ko naisipan na buntis ako, di ko din nararamdam yung morning sickness, pero laging sumasakit ulo ko, akala ko dahil sa grado ng mata ko, until one day december 26 2019 inaaway ko husband ko, pati mga ka work nya, pag uwi nya galing work nakikiusap sya sa mommy ko na baka pwede ako kausapin, ang sabi ng mommy "baka buntis" that night, sinabihan ako ng husband ko na mag pt ako, nakabili ako ng pt december 28 2019 na, nakapag pt ako umaga ng dec 29, malabo yung isang line, di ako nag react muna kasi dati nung bago ako magamot sa pcos nag pt ako two lines din pero malabo yung isa. pinakita ko sa husband ko, sabi nya isa pa, the next day december 30, malinaw na malinaw na tlaga two lines, tuwang tuwa kmi mag asawa, di muna namin sinabi sa parents namin, nagpa check muna kmi. nung nakuha na namin ultrasound ang laki na pala ni baby , 15 weeks na sya nung pina Ultrasound ako.. sobrang saya sa feeling na ang dami ko pinag gagagawa nagpakulay ako buhok, nagpapa mani pedi ako, nag ride pa ko sa motor ng husband ko from marikina to nova, nova to marikina, nag pa xray pa ko twice, nag do pa kmi ni hubby. kaya sobrang pasalamat ko kay baby at malakas sya, thankful din ako kay Lord kasi di nya pinabayaan baby ko. sa ngayon 5months na ko, pinagdarasal ko na maging malusong , masiyahin at malakas si baby.
Kay Anne