I need sincere advice Mga momshie me and my partner we've been together for more than 3years.. pero Ang pagsasama namin Ng matagal is 2months because I've been working abroad before.. pero nung mabuntis ako nagsasama na kmi umuuwi Lang ako sa parents ko at sya din naman pag Wala syang work.. Ang problema ko Po Yung pag iinom nya okay Lang naman pa minsan2 Ang nangyayari Po Kasi pag nsa manila ako dun Po Kasi sya nagboboard Kasi dun work nya . Lumuluwas Lang ako pag schedule Ng pre natal Kasi sa manila ako nagpapa check up.nag stay ako sa manila sa kanya Ng 4-5 days Lang esp. bagong Sahod sya.. balik na ko sa min Ang complain ko Po minsan Lang ako lumuwas pag nagyaya katrabaho nya mag inom samahan nya agad Wala syang pake Kung naghihintay ako kinausap ko sya Sabi ko ndi ko naman sya pinagbabawalan sa kin Lang mag paalam oo DW ndi na mauulit. After 3-4days ganun pa din ilang beses na ginagawa nya. Dumating sa point na umalis ako umuwi ako sa min sa sobrang galit ko. Pa ulit2 na ganun halos umiyak na ko kinausap ko sya ndi ko na Alam Kung anong paliwanag gagawin ko bakit nya ko ginaganito magsosorry Lang sya tapos okay na. Itong last na incident medyo nag lilow ako sa Kanya NSA manila ako nun Kasi sched Ng pre natal when it comes to my needs ndi Naman sya nag kulang Ang pag iinom Lang talaga nya inabot sya hanggang madaling araw.gumising ako Ng 7am para mamalengke Kasi Alam ko out nya Ng 6am at pagod sya duty sya Kasi Ng 24hours his a nurse. magka text at chat pa kmi nun nag luto ako so i was expecting dating sya Ng 8-9am. Ndi sya dumating panay na tawag ko at text sa kanya wala talaga. 10am sinagot nya nka silent DW phone nya Kung ano2 reason na sinasabi pauwi na DW sya pero Ang boses nya naka inom na.nagalit na ako Kasi heto na Naman kmi same scenario hanggang sa sumakit puson ko buti na Lang Yung pinsan nya NSA bahay nila tinulungan nila ako China chat na sya ndi ko na din sya makontak pero Ang Sabi nya pauwi na sya hanggang sa inabot na Ng 1pm nagpa hinga Lang ako at uminom Ng nireseta ni doc pang pakapit 2pm umuwi ako sa min ndi ko na sya inisturbo. Block ko number nya chat sya sa kin bakit DW ako umuwi 10pm na Yun NASA bahay na DW sya can u imagine nag hintay ako Ng 7am hanggang 2pm umuwi sya 10pm. Pinaliwanag ko Sa kanya galit na galit ako. Sabi ba naman nya sa kin Kung Hindi ko DW Kaya Yung mga ginagawa nya Wala na dw SYANG magagawa ndi Naman DW nya kasalanan na mayayaya sya sa inuman Ng mga senior nya at ndi Naman DW sya pabaya sa magiging baby namin financially Ang sakit nun para sa kin mga momshie. Ang nsabi ko na Lang okay salamat hwag mo Na kming isturbuhin Ng anak mo. Sabi nya hwag mo akong takutin Kung Yan Ang gusto mo walang problema. Hanggang ngayon Po ndi ko na sya kinakausap pero nag chat syang mga emoji na kiss heart tapos kinakamusta kmi pero ndi na Po ako nagrereply... Mga momshie ano Po gagawin ko stress na stress na Po ako sa kanya Sana Po may maka advice sa kin.. maraming salamat po

23 Các câu trả lời

Same here, 24 aq nabuntis. Hindi pa kami noon nag Sasama, ni bihira lang xa pumunta sa bahay. Puro barkda at online games(dota inaatupag)sasabihan ka pa mamaya kana tumawag kasi natatalo na ako na ang boses e ung medyo irita ng konti 🤦‍♀️. Tapos pansin ko ppnta lang sa bahay kasi may lakad xa after. 🤦‍♀️. ETC. Lagi ako naiyak at stress. Noon. Hangang sa na puno na ako at umayaw na sknya, pero sabi nia ba baguhin daw nia etc. Hangang sa ok na nakalabas na si bby nag ssma n din kami, nag rent ng apartment. Then. Nabuntis ulit ako. 7mos palang ung panganay ko. Lagi ulit kami nag aaway. Bukod sa iinom iiwN kami.. Minsan pagod aq sa gawain bahay. Ung kalat ung hugasan na Plato naka tiwang Wang lang tapos nagpapa kain aq ng bata. Iiwan lang kmi, kahit 7mos na ung tyan ko lagi ko pa binubuhat panganay q. Kahit nag bagyo na at baha na sa may labas namin sa may tulay. Kung hndi ko pa makita, hndi ko malalaman na ganun na kalakas ang ulan. Tapos ssvhin nia tuloy daw reunion nila. Hnd naman malakas ung ulan. Magpa deliver nkng ng pagkain 🤦‍♀️pati pag lagay kay bby sa crib khit malaki na ung tyan q nahhirapan aq kinakaya ko. Lahat lahat, lagi ako puyat 1month hangang mag 9mos tyan ko. Kasi late n22log bby nmin, 1.30 o 2.30am, pero nung nag 8mos aq medyo ma aga aga na. 11pm o 12am. Pero late parin aq matulog kc bukod sa aalis na naman xa iinom uuwi ng 2.30 am 3am. 9mos na ung tyan ko nxt nxt week due date ko. Dinadahan dahan ko lang pag kilos sa bahay khit mabilis na ako ma pagod tpos ang bigat ng tyan ko at legs braso ko. Minsan naiyak aq. Pero kinakaya ko. Xa pa ung tao na kung hndi mo utusan hndi kikilos. Pag dating pa galing sa trabaho. Online games agad tapos vape., nkkwalang gana din. Tapos ssvhan nia ako pag nag aaway kami na gngwa nia man daw laht utusan ko lang dw xa, 🤦‍♀️xa nag wowork ako dpat lahat sa bahay, nung hndi naman ako buntis sa pangalawa, wla naman yan narinig sa akin kahit ano at hndi ko dn yan inuutusan. Ng kahit ano sa bahay. Pati sa anak nmin Aq lahat. Ngaun lang na buntis aq humihingi ng tulong kasi sobrang hirap na hirap ako kumilos. Pero hndi, hangang sa nasanay na lang aq na wag xa pansinin. Khit lumabas xa uminom. Cge lang bahala ka sa buhay mo. Pag uwi m22log nlng. Utusan mo mag bantay sa anak nio mas nauuna pa xa makatulog kysa sa anak nia🤦‍♀️. Ayan malapit na kasal namin pero sa civil. Nag dadalawang isip ako qng hndi I tuloy. O I tuloy nlng pra sa mga Bata din. Ngaun lang xa Naka isip na magpakasal kc pra ma gamit daw nia ung paternal leave 🤦‍♀️

hummmp.. ano un pinakasalan ka dhil sa nay dhilan sya . nkakawalang gana nga ang gnyan, ni hndi naiisp ang sitwasyon mo .. hndi kba nia nkikitang nahihirapan ka kumilos ? or dhil sa sia ang nag tatrabaho un lang naisp niang gwin tpos ikaw sa bahay na dpat sau lahat yan ang ibg ba bia sbhin ? ahyy nakoo bat may mga gnyang lalaki.. kung ako aau magdalawang isip ka tlga sa kasal na yan, kung hndi lng bka masamain nia na tnungin mo sya, sa anobg dhilan bkit ka nia dpat pakasalan ? makikilala mo lng tlga ang isang lalaki pag nakasama mo na sa iisang bhay

Hi sis, actually same scenario lang tayo sis. Simula 1st trimester ko ganyan yung madalas na pinag aawayan namin ni lip. Hanggang nag 2nd trimester ganon pdin. Dumating na nga sa puntong nag spotting ako sa sbrang stress. Di din nmn sya nag kukulang sa mga needs ko lalo na sa pre natal ng baby namin. Kinausap ko sya na nag sasawa na ako sa ganun set up namin na after work nag iinom sila kasama mga ka work mates nya and wala syang sariling desisyon na mag salita na "Next time nako pre, buntis misis ko eh" mga ganon sis. Go lang ng go sa inuman kasi daw nakikisama sya. Dumating na talaga ako sa puntong isinuko ko na lahat . Nakipag hiwalay na ako sknya. Halos iniyak ko na lahat ng luha ko kasi "Alak is life" sya. Pero na realize ko na kung talagang need nya mag unwind after long busy day baka nga need nya mag pahinga and yung mga kabarkda nya ang pinili nyang kasama instead of me. Mahal ko siya kaya mas hinahabaan ko yung pang unawa ko sknya. Lalo na pag nakikita kong super pagod sya after work. Unawain mo na lang sis. Kung mahal mo naman talaga dba. Yes, unfair sila kasi iba ang pinipili nila.. Laban lang sis pasasaan ba at mag babago din sila para sa mga baby natin hehe. God bless you sis. Iwasan mo mag paka stress masama kay baby yan.

Sis never ko syang pinag bawalan mag inom minsan nga kainuman pa nya brother ko Sa bahay mag Yaya pa sya lumabas para mag billiard pinapayagan ko. Ang sa kin Lang pag lumuwas ako Kasi minsan Lang Naman ako lumuwas dapat sa min Yung time nya Wala pag timing na nagyaya senior nya tapos nandun ako sa manila ndi sya makatanggi aabutin Ng madaling araw Yan ako Naman itai Ng iyak na Kaka hintay good mag sorry Lang sya laging ganun

nakakarelate ako momshie.kasi yung husband ko ganyan din.yung tipong konting aya ng barkada sama agad. minsan nga niloloko ko na, bday,binyag,debut,anniv pati lamay,present sya.ang pinakamatindi bday nya pumasok sya nagpaalam may konting hinanda dw mga kasamahan,pinayagan basta sabi ko saglit lang kasi may surprise kame ng anak nya at naghanda din ako.inabot ng gabi d pa nauwi.12 am wala pa. naiyak nlng ako.umuwi 6 am na. sobra tlga sama ng loob ko.ang dame pa nangyari samin d maganda dahil sa pag.iinom nya.umabot pa sa puntong, 1 year kame nagkahiwalay.ayun thanks God, nagbago sya.nagmature sya.now,ok na kame.bihira na sya mag.inom,pag d ako pumayag,d na sya aalis.saka marunong na sya tumanggi.alam mo sis masama tlga naidudulot niyang alak.madame nasisirang relasyon.hindi mo naman sya mapipilit sa gusto mo.ang gawin mo hayaan mo lang sya.focus ka sa baby niyo.in God's way, matitino yan.basta pray ka lang and focus sa baby.

hayssss buti kpa siss.. nkayanan mong nagkahiwalay kau ng isang taon dn un .

sama tayo sis sa unang pag bbuntisnko palibhasa teenager pa kami. marupok pa ganun. 17 palang kami nung nabuntis ako kay 1st baby, ganyan din sya walang inatupag kundi barkadam ni hindi marunong humindi sa mga kaibigan. mas priority nya ang pag inom at pakikipag kaibigan. lagi ako mag isa sa gabi hanggang umaga. sikat na ng umaga kung umuwi. kahit anong paliwanang at sabe mo ganyan din dahilan nya palagi di sya makatanggi masakit lang din kasi di nya naiisip mag isa lang ako sa bahay habang sya gabi gabi nakikipag laklakan. dinala ko din sya e. sobrang stress ko sakanya nasugod din ako sa ospital. dun ako napaisip na kung sya lang iisipn ko baka mawala anak ko. hinayaan ko sya umuwi na ako samin. halos 3mos yata kami hiwalay hanggang sa pag balik ko sakanila ayun laki naman ng pjnagbago natauhan yata na kayang kaya ko na wala sya kahit mag kakaanak na kami.

habng binabasa ko msg mo nkakarelate ako at bumibilis tibok puso ko.. a prng naiinis dn ako . haysss tlga naman bkit kasi may gnyang mga lalaki na mas inuuna pa mga wlang kwentang bagay kesa sa asawa anak nia, lalot buntis pa.. nkakagigil lang .. relate ksi tlga ko, ako ksi magkalayu pa kmi nsa abroad sia kada kakain may inom na kasama pagkatapos dnko ma memsg nalimutan nko na nag iintay na kht 2am 3am dito nagising ako pra mkausap sya .. sabay tutulugan lng ako ssbhin kinabukasan too much drinking daw dats y, na prng wlang nngyari.. nakoooooo grrrr.. mnsan pa ssbhin nia ok u sleep na . pano pako mkakatulog non sa galit na na fefeel ko umabot ng 5am gcng pdin.. mnsan nafefeel ko na sstress dn baby ko sa tyan dhil sa na fefeel ko kaya hinawa ko now diniactivate ko muna fb at inuninstall msgr ko . bhla na muna sia kung ano gstu nia gwin kakainis lng sya

Palipas ka muna sis. Mas magfocus ka muna sa baby mo. Wag ka muna papastress. Baka paglumayo ka muna sakanya mas marealize niya. Medyo buhay binata pa yang partner mo. Di marunong makiramdaman. Bakit idadahilan niya sayo yung may nag-aya sakanyang uminom? Bakit wala ba siyang sariling desisyon? Di ba niya alam magiging ama na siya, dapat alam niya na kung ano limitatons niya. Di lahat ng aya, gogora siya. Di masamang tumanggi, kung kilala siya ng mga kasama niya at alam sitwasyon niya, maiintindihan siya nun. Ayaw niyang mapahiya sa mga kasama niya tapos okay lang sakanyang paghintayin ka? Di naman yata tama yun. Or masyado siyang kampante na kahit anong gawin niya, alam niyang tatanggapin at tatanggapin mo siya. Lumayo ka muna sakanya. Pakita mong, kaya mong wala siya. Wag kang masyadong pastress muna.

Nako. Wala pang sense of responsibility yang partner mo. Ano bang klaseng mga dahilan yan. Utang na loob mo pa bandang huli yung ginagawa niya sa bata, first and for all, kayong dalawa gumawa jan, at dapat sa pagkakataong yun, alam niya na yung tama at dapat gawin. Magiging tatay na siya obligasyon niya yun. Nakakapanginit ng ulo yang partner mo. Immature pa. Kung ako sayo, wag kang magstay o magtitiis sa ganyang relasyon. Pagisipan mong mabuti, kung maaari lumayo ka muna sakanya, importante yung health niyo ni baby. Kung siya mismo di willing magbago para sainyo, nagsasayang ka lang ng oras kakaintindi sakanya. Sasawaan ka talaga jan sis. Kahit sabihin nating nasa adjusting period pa siya, pero sobra yung mga sinasabi niya sayo. Ang hirap kaya magbuntis, sobrang adjustment din sayo yan, physically, emotionally at mentally. Pagisipan mong mabuti. Lagi mong isasaalang alang yung health niyo ni baby. Lumayo ka sa mga bagay na makakapagpastress sayo. Kaya mo yan mommy! Samahan mo na din

be strong lalo na at magiging mother ka na. mas mabuti nga di pa kayo kasal. if he cant commit sa maliit na bagay panu pa sa malaking bagay. kung seryoso cya magbabago cya. at di lang financial support ang dapat nya ibigay as a partner and soon to be dad. napakaimmature ng reasonings nya. mamimili ka lang naman, pakikisamahan mo ung ama ng anak mo na di marunong makisama para buo kayo or mabubuhay kayo ng anak mo ng matiwasay. ngaun pa nga lang puro sama na ng loob binibigay sayo panu pa pag mag asawa na kayo at humaharap sa ibat ibang mas mabigat na pagsubok. madali masabi na tatay na kasi nakabuntis pero di lahat kayang panindigan ang pagiging ama at asawa

kailangan mopong gawin is mag focus ka Jan sa baby mo.. Yan na Ang buhay mo. then ipa realize mo sa kanya na Kung gaano kayo ka halaga.. hndi Kasi porket ginaganyan tayo Ng isang lalake eh magiging marupok na tayo.. you need to be strong !! wag mo iparamdam sa kanya na kapag nawala sya sa buhay nyo e walang wala kana at hndi mo Kaya. ipakita mo na strong ka at Kaya mo!! Kaya Tayo sinasaktan Ng ganyan kasi paulit ulit nyorin binibigyan Ng chance... Kung Alam mong hndi kayo importante well ipakita mo saknya na mas lalong hndi sya importante that's all ganun Lang ka easy.. kailangan mong maging pusong bato sa ganung tao... ibuhos mo nalang pagmamahal mo sa baby mo. 😊

hayyysss nkakaiyak ..ako man pag galit ako uu ibablock ko sya dko kakausapin pero pgdting ng gabi dko matiis hndi mkausap ulit or after 2days gnun lng or a week ..pero sya feel ko na kapg d ako nagparmdm d rin sya magpaparmdm .. nkakainis lang na hahayaan nia lng ako na galit at bhala ako mwla ng kusa ag galit . dko alam kung dhil sa iba ang kultura nia or anooo..iba kasi lahi nia bka hndi sila gaya ng pinoy na kpg galit gf eh susuyuin

hiwalay muna kayo and cut muna communications sa kanya hayaan mo sya mag message sayo at hayaan mo sya ang magpunta sa inyo...kung gusto ka pa talga nya suyuin gagawin nya yun...sa ngaun dahil sabe mo hndi mo na alam gagawin mo maigi space muna kayo...nurse pa man din sya dapat alam nya effect ng stress sa buntis....responsable sya sa baby nyo pero sa relationship nyo and sa sarili nya iresponsable sya....hndi nga nya kaya alagaan sarili nya panay inom. and dapat sa mga health care providers alam nila consequence ng alak...and bawal ang nay hang over lalo may duty pwede sya matangal sa trabaho pag nachempuhan sya

VIP Member

Alam mo momshie, same tayo ng kinaiinisan sa hubby ko. Pag iinom with workmates di marunong magpaalam. Nakakahigh blood! One time I talked to him pero di ako satisfied sa sagot niya, to the point nagalsabalutan nako kasi sobrang inis at galit na every time may misunderstanding, di niya ako inaapproach ako pa unang mag make move para kausapin siya.. Lagi ganun, walang kusang palo na magsorry. Kahit magsorry at lambing lang naman sana kaso yun wala e.. Kaya nga now, im letting him do want he wants to do. Di nako papaaffect skniya.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan