I got a facebook friend request from husband's ex girlfriend, never ko siya nameet talaga di rin kami nguusap. Ignore or accept ko ba?

317 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

based on my experienced before in-accept ko po siya sa FaceBook sa kadahilanang wala naman sa akin kasi past na siya ni Hubby.Ayun nagchat siya,nangungumusta sa akin at nag cocomment sa anak namin at never siya nag mention or nag ask anything about his ex which is my husband at sa lahat ng chat niya magiliw ako kasi ok naman siya sa akin. Yun nga lang while friends kami friends din pala sila ni Hubby sa FB then one time may isang FB account si Hubby na unusual na parang instinct ba na may something wrong kaya ayun sabi ko ano password neto hindi nya maibigay kaya ayun nag wild na ako binigay nya.Then nung na open ko na nag message pala si hubby sa kanya nga "Dear kumusta kana",yun ang tawagan nila before kaya alam na ni ex GF kung sino siya and then what made me so shocked and amazed was hindi niya kinonsente asawa ko bagkus sinabihan na maging maayos na asawa kasi mabait daw ako. Kaya napagtanto ko talaga na hindi lahat nang Ex ng hubby or partner eh mga higad at hinayupak talaga sadya lang talaga na naka move on na. Wag kang matakot at mag alinlangan Miss.

Đọc thêm

Na experience ko din. Inaccept ko pero gulo lang pala inabot. Okay naman sana kaso etong si Girl sumbungera at kung ano ano sinasabi. Chismosa pa. Ang tagal na naconvo nila ng Hubby ko inopen up pa sakin. Pati yung mga pangaaway ng Hubby ko sa kanya kasi feeling close sakin sinend din sakin ,😂 ang end up naka block na si Ate girl. Kinausap ko naman sabi ko ayaw ni Hubby ko na magusap pa kami kasi ex is past na at di namin kailangan maging close. Ayun mas okay wag na lang. Good terms din kami ng ex ko for 6years pero nagaway lang din kami ng ex ko dahil sa current gf nya may problema ata sakin 😂 e pinagseselosan din naman ng Hubby ko kaya putol koneksyon na. Mas okay ngayon wala na koneksyon sa mga ex ex na yan. Mas payapa ang buhay 😂

Đọc thêm

Iblock mo o hindi mommy nasa hubby mo yan. In my case yung ex ng hubby ko inadd sya at naghahabol pumunta pa sa bahay nila partida buntis na ako. Pero when I found out na pumunta ex nya he felt sorry sakin at hihiwalayan ko na talaga sya he beg at sabi nya wala syang nararamdaman sa ex nya at kami ng anak nya ang importante sakanya at mahal nya umiyak pa nga at sa buong relationship namin twice palang umiiyak yun. Kaya yung ex nya nako pinag sabihan ko in a nice way oa nga syempre di tayo palengkera. Halatang sobrang miserable nya at mahal pa yung hubby ko.. tsk

Đọc thêm

ignore. for what pag iaaccept? it's your husband ex gf, par of the past. di na dapat dinadala sa present. baka maging cause pa yan ng pagtatalo niyo ng husband niyo mamsh. yung kakilala nga nakakatakot pagkatiwalaan o papasukin sa buhay e yan pa kayang never mo nameet at ex gf ng hubby mo tapos you never know, di naten alam pano mag isip ang mga tao o intensyon ng tao mamaya pag sirain pa kayo niyan. for your peace of mind narin mamsh 😊

Đọc thêm

ignore. kasi minsan gusto lng nyan mag stalk sayo, ngrequest din sa akin yung asawa ng ex ko dati, pero barakada ko kasi yung ex ko,kaya natanong ko bakit nyako ni request never nman kami ngmeet personally,ayun sabi minsan daw ngtatanong daw kasi yung asawa tungkol sa'kin which is, bakit nman ano pa need nya mlaman..sabi ko willing nman ako mkipagkaibigan pero hindi sa ganitong paraan bka simulan pa ng away mag-asawa..

Đọc thêm

yung ex ng asawa ko 5x n send ng friend request sakin. haha. magsesend taz pagkatapos ng ilang araw cacancel din nia taz magrerequeatbuli pagkatapos ng ilang bwan. haha pinagbigyan ko n ngang kinonfirm sa instagram kaso napansin siguro nia di ako active sa insta kaya send uli ng ffiend request sa fb. haha akala siguro nia di ko napapansin mha request nia kayabilang beses magsend.magiistalk lang yun. haha

Đọc thêm

Bakit tinatanong pa? Hahaha! Syempre delete then block! It doesnt mean na di ka moved on sa past. It just mean na ayaw mo ng mga taong posibleng makatoxic sa inyo sa mga susunod na panahon! You dont know the real purpose kung bakit ka inadd, either to stalk or befriend. Since hindi mo.alam ang dahilan, just ignore ALL PAST !

Đọc thêm

pag inignore mo iisipin nya threaten ka sknya. pag inaccept mo naman nonsense kasi hindi kayo close at hindi rin kyo mag uusap nyan. and wala rin naman kyo dapat pag usapan. i suggest hayaan mo nalang sya sa request list para sya na mismo mag cancel ng request nya. i think that's the safest 😂

Ignore it, maybe attention seeker talaga siya or may gusto siyang sabihin na pwedeng ikasira pa nang relasyon niyong magasawa. Wag na pansinin because she's already a part of the past. Di ka na dapat iniistalk nung ex girlfriend nang hubby mo. I bet she has bad intentions for reaching out. 😂

Ignore din, not sure kung ano ang agenda niya pero di mo kailangan siya maging friend sa facebook, parang for me ha inoopen mo ung privacy mo sa kanya, and ex girlfriend ng husband mo yun, kahit ako chinecheck k ung ex ng husband ko just to see kung mas maganda ba sa akin haha