First of all mommy, alam ko po masyadong mabigat po ang nararamdaman nyo ngayon,. pero hayaan nyo po akong subukan na pagaanin ang loob nyo.
Mommy, Babae ka...
ang babae ay malakas at matapang..
iiyak pero hindi susuko,
lalo na para sa anak.
marami po kayong naiisip ngayon na hindi maganda dahil masama po ang loob nyo.
hayaan nyo po muna lumamig kayo, baka po makagawa po kayo ng hindi mabuti dahil sa bugso ng damdamin nyo ngayon at pagsisihan nyo lang po sa huli.
Kapag lumamig na po kayo., makipag usap po kayo sa asawa nyo sa mahinahon na paraan.
Maging vocal po kayo sa mga bagay na nahehurt po kayo.. masmaiintindihan nya po kayo kapag sinasabi nyo. ang pagsasabi po ay hindi sa way na pasumbat.
halimbawa sa asawa ko, instead na sabihin kong,
"mag igib ka."
eh mas ok na sabihin na
"pwede bang ipag igib mo ako?"
alin ang mas mainam pakinggan?
agree po kayo or not, babae po ang nagdadala sa pamilya. kailangan nyo po ng pasensya.. kung ugali po ang gusto nyong baguhin sa asawa nyo, hindi po iyon basta basta..
tinanong ko po asawa ko, kung may bad habit o masamang ugali raw ang isang lalaki at kung gusto mawala yun o magbago siya, need raw alamin kung ano ang magpapamotivate sa kanya magbago..
nagger ako dati.. kapg galit ako ay ibinabalik ko lahat ng mga naging kasalanan niya. hindi rin ako mahinahon magsalita, deretso ako magsalita kahit galit ako, kaya nagiging cause na maaburido na asawa ko sakin.. walang linggo na hindi kami nag aaway.. napagod na ako sa ganung set up. gusto ko na siyang layasan.. pero ayaw ko ng broken family para sa anak ko. kaya binago ko ang approach ko..
naging mahinahon, maasikaso, malambing ako..
Ang hirap sa una. Lalo nat mapride din ako. Pero yung effort ko, yun ang mga nagtulak sa kanya na magbago. naging maintindihin, maasikaso, mapagpasensya siya.
mas naging makarinyo rin siya..
pag galit, nakakagaan din po ng loob ang yakap.. OA po kung di po kayo sanay.. pero worth it po. samahan nyo na rin na pagsasabi ng iloveyou.
tama po kayo, isipin nyo po ang anak nyo.. ano po ang kaya nyo pa pong gawin, for the sake ng anak mo. gawin nyo pong motivation ang anak mo.
pinakaimportante din ay ipagdasal nyo po na bigyan po kayo ng
karunungan, nang sa ganun ay makapag isip po kayo ng mabuting bagay na gawin.
lakas, para po mapaglabanan nyo po ang pagod.
Love, iyan po ang magsisilbing reason para mag stay despite na nagkakaroon na po kayo ng hatred sa asawa nyo..
lastly, hindi nyo po kailangan mamili...
Family is family..
ang family nyo na po ay Ikaw, ang asawa mo, at ang anak nyo. nasa iyo po kung hanggang saan ang kaya nyong isakripisyo para sa sarili mong pamilya..
yung choice po ay nasa inyo..
kung natry mo na po ang LAHAT ng kaya nyong gawin, anytime pwede po kayo bumalik sa parents nyo. obligasyon ng magulang ang tulungan ang anak.
Stay strong po mommy, fighter ka☺️
Đọc thêm