Bet niyo bang mag-enjoy mag-shopping sa H&M mga mommies?

Manalo ng P3,000 worth gift card sa H&M when you join the giveaway link below! https://community.theasianparent.com/contest/mommy-glow-up/2314?lng=ph

Bet niyo bang mag-enjoy mag-shopping sa H&M mga mommies?
41 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

self - love. . bilang Nanay kailangan na hinding hindi naten kalilimutan ang ating sarili. Minsan sa sobrang pagmamahal naten sa ating mga anak at asawa. madalas nakakalimutan ng mga nanay na alagaan ang kanilang sarili. andyan yung wala ka ng oras para makapag ayos. dahil sa pag iintindi palang sa mga anak kulang na kulang ang oras mo. bigla ka mapapatingin sa salamin mapapatanong sa isip "ako paba to?" hahaha 🤣🤣 sa paglilinis at paglalaba ng bahay pati damit mo ay nanlulusak. May mga pagkakataon pa na hindi mo alam ang uunahin mo. ang pagluluto, paglalaba at pag intindi sa mga nag aaral na anak. 🤣 sobrang nakakapagod. Pero dapat, meron kang "me time" para sa sarili mo. andyan yung mag skin care ka. magpalinis ng kuko. at ang napaka sarap ma massage. minsan need mo rin i treat ang sarili mo gaya ng pagbili ng bagong damit. isa or dalawa okay na ❤️❤️ at magagawa mo rin ang mga bagay na yan. kung ang partner mo rin ay susuportahan ka ❤️ paminsan minsan pinapayagan ako ng aking husband mag hang out sa aking mga kaibigan. kakain sa labas at magkakape lang. simpleng kwentuhan. full time mom ako, at si hubby ko ofw. Kaya, mag isa lang ako sa bahay. at akin ang lahat ng trabaho ❤️🙏❤️ at isang Malaking pasasalamat ko dahil binibigyan ako ni Lord ng kalakasan para magawa ko ang mga bagay na ito. di madaling maging Nanay. pero Masayang maging nanay kung isasapuso mo at nakikita mo sa mga anak mo ang magandang naidudulot ng Pag aalaga mo sa kanila.

Đọc thêm