Any advice please......
How to forgive a cheating husband?

3 taon na ang nakakalipas pero di ko pa din siya nakakalimutan. Magpatawad? mahirap. walang definite na "time" na masasabi mong okay ka na. Ako, may lamat na ang pagsasama namin, wala na akong tiwala sa kanya, pero kailanman never ko siya hinigpitan o pinagbawalan, binantayan o pinakialaman sa mga desisyon at pinakikisamahan niya sa labas ng relasyon namin. Choice. Yun ang meron ka ngayon. (gaya ng asawa mo, choice din niya na magcheat. nasayo ang baraha) Choice na magstay, kahit masakit. Choice na umalis, para putulin na ang kung ano man ang meron kayo. Pinili kong magstay, hindi magpatawad. Araw-araw, pinipili kong magstay, para sa mga anak ko, para sa pamilya namin. May tiwala ako kay Lord, sa plano niya sa akin at sa mga anak ko. Una kong ginawa nung malaman kong nagcheat siya, pumunta sa simbahan. Wala akong mapuntahan, wala akong malapitan. Hindi ko na ipinangwento ang sitwasyon namin dahil ayoko na nang maraming opinyon, maraming sumawsaw o magsulsol. Kay Lord na lang ako lumapit, humingi ako ng tulong, ipinagdasal ko ang asawa ko, ang relasyon namin, ang puso ko at batang ipinagbubuntis ko noon. Hindi mo mappwersa ang pagpapatawad. Pero nasa sayo kung nanaisin mong magbigay ng 2nd chance sa asawa mo. Mainam na mag-usap kayong mag-asawa, alamin mo ang mga gusto mong malaman tungkol sa kanila nung babae, alamin mo ang direksyon ng inyong relasyon. Btw, wag mo na pag-aksayahan ng energy yung babae ng asawa mo, yaan mo siya 🤣 di siya kasali sa pamilya niyo.
Đọc thêm