Depression
Hiwalay na po kami ng asawa ko. 8 months po akong preggy. Nag susuffer po ako ng todo ngayon at gusto ko na sumuko. Ano pong dapat kong gawin 💔
Hi, alam mo mumsh, nurse ako, alam ko cause ng depression is hindi lost or little faith in God. Pero tbh, mas magandang iiyak mo nalang yan lahat kay God. Dahil ako? Pregnant din ako, engaged na kami nung ex-fiancé ko eh, may balak pa nga kaming ikasal nun kaagad kahit Civil muna pagkauwi niya sana. Pero biglang nagbago ang lahat nung pagkauwi niya dito saamin, tapos iniwan niya ako, pinahiya pa niya ako at pinagmukhang tanga sa harap ng ibang tao, sila ng mama niya. I tried so hard not to cry nun kasi may dignidad din ako, nurse ako tapos papaloko lang ako sa isang social worker na sundalo? Gold ako noh. Pero pagkapasok ng pagkapasok ko ng kwarto ko, bigla akong bumagsak at umiyak. No words came out of my mouth, inatake pa ako ng sakit ko sa puso nun dahil sobrang bigat ng nararamdaman ko, hindi ko alam anong gagawin ko, iniyak ko lang ng iniyak lahat straight 5hrs. I even tried to commit suicide nun, pero naramdaman ko si baby kaya umiyak nalang ako ng umiyak. Buti nalang nga andiyan bestfriends and ate ko to comfort me eh, pero to this day, I still keep on crying everynight. Especially when I remember his face and our child, napapaiyak nalang talaga ako. So ang ginagawa ko, every 2 days, pumupunta ako ng shrine namin dito to light candles and pray, I stay there for 30mins to 2hrs, hanggang sa makalma lang isip and puso ko. Basta run to God lang talaga, He is the only one who can help you. He will never forsake and abandon you. Kaya natin 'to para sa mga babies natin. Fighting lang, okay?
Đọc thêmmagdasal ka sis.punta ka ng simbahan at ihinga mo kay Lord lahat ng nararamdaman mo.mas makabubuti din na may nakaka usap ka sa family mo.sila yung unang-unang gagabay sayo.focus ka sa anak mo.gawin mong busy yung araw mo.magpatawad ka at wag ka maghangad ng masama sa kanya.pinaka magandang revenge mo pag nakita ka nya na umunlad,mas gumanda at masaya kahit wala sya.saka yan magsisisi,
Đọc thêmalam mo nd ka nag iisa.ako nga tinakbuhan ako ng tatay ng anak ko umwi sya sa probinsya nila tapos ako ngayon buntis nag iisa din po ako pero nagdadasal po ako lagi kay lord na gabayan nya po kaming dalawa ng baby ko umiiyak din po ako tuwing gabi pero tuwing gumagalaw ung baby ko sa tiyan ko napakasaya ko dahil piling ko sinasabi ng anak ko sakin na andito pa ako mama kaya ikaw mommy isipin mo ung baby mo .
Đọc thêmPray ka po kay God.. Everything happens for a reason po... Tapos focus po kayo kay baby.. Nakakaawa po siya sayo lang po siya umaasa.. Ang asaw mapapalitan pero ang anak hindi.. It's a gift from God.. Kasi pag depress ang mommy nila.. Naapektohan din po sila kaya keep on praying and fighting for your baby.. God is with you.. God bless po mamsh kaya nyo yan.. I know its hard pero kayanin nyo po
Đọc thêmako sir. nagkaroon ako nang anxiety. Pumunta ako ang simbahan at doon ko iniyak lahat nang nararamdaman ko. Hindi ako umalis hanggat hindi gumaan pakiramdam ko. para sayo mamsh punta ka sa kanya isuko mo lahat ng mabigat sayo sigurado hindi ka nya pababayaan. Trust klng po sa kanya. always pray 🙏❤️
Đọc thêmpray ka lng mommy isipin mo lagi yung baby mo....gawin nyo po yung mga bagay na makakapag pasaya sainyo para hindi nyo lagi naiisip yun wag kang panghinaan ng loob...kausapin mo si lord ingat ka po lagi...pray lng po🙏💪😊 god bless you
wag po mawalan ng pag-asa po . Dasal lng po kayo mommy. magiging ok ka din pati baby mo po . not now but soon po 🙏😇 sa ngayon kailangan mo ng may karamay . wag po kayo panghinaan ng loob kapit lng po kayo kay God po . 🙏😇
kapit lng po, isipin mu ung buhay n nsa tyan mu. wla mn ung asawa mu atleast my baby n mgbbgay sau ng dahilan pra lumaban.
laban lang sis ❤ pray kalang may mabuti tayong Diyos na laging nandyan para saten ❤
Mahirap pero magpakatatag ka ang baby mo ang isipin mo