Gusto ko lng po mag share ng nararamdaman ko. Salamat po.
Hindi ko po alam bakit ganito nararamdaman ko. Yung gusto ko palagi ko nakikita at kasama c mister. Yun bang maiiyak nlng ako sa tuwing maiisip ko na wla sya sa tabi ko. Kakapanganak ko lng po 5 days ago. And dito po kmi ni baby nag stay sa bahay kung saan nandito lolo lola at kapatid ko. Nahirapan pa kasi ako gumalaw galaw kaya dto muna ako nag stay pra may taga tulong ako mag alaga ky baby. And si mister nmn dun sa kanila nag stay ksi may inaalagaan na mga baboy di pwdeng iwan. Npaka hassle nmn pra ky mister umuwi uwi dto kaya minsan nlng sya nauwi dto samin ni baby. Live in lng ksi kmi ni mister. At d ko alam if normal lng ba na hanap hanapin ko sya at gusto ko araw2 kmi magkasama. Ksi naiiyak nlng ako minsan pag naiisip ko na wala sya kahit focus na focus ako ky baby minsan ganun npa iyak nlng ako. Normal lng po ba ito?? Ksi parang ang iyakin kona ngayong nanganak na ako. 😭😔😔