Hi, gusto ko po sana humingi ng tulong kung pano po na gagawin ko para humingi ng financial support sa tatay ng baby ko. Hindi kami kasal pero may acknowledgement siya sa birth cert ni baby. Recently nagbibigay siya pero kulang talaga, wala pa akong work kasi wala pang makuhang magbabantay kay lo. And mag-isa lang ako nag-aalaga sa kanya. Lo is 15 months old right now. Salamat po sa mga sasagot.
USAPANG SUPORTA SA BATA: Magkano ba dapat ang suporta na dapat na ibigay sa anak? Paano ba ito i-compute? Ito ang mga usual na tanong na dapat sagutin ngunit alamin muna natin kung ano ba ang "SUPPORT" na tinatawag. Ayon sa Article 194 ng Family Code, ang "support" ay binubuo ng food, dwelling/bahay, clothing, medical attendance, education and transportation ng naayon sa kakayahang pinansiyal ng pamilya kasama na ang schooling or training for some profession, trade or vocation, even beyond the age of majority. Transportation shall include expenses in going to and from school, or to and from place of work. Ibig sabihin, ang support ay depende sa kakayahang pinansiyal ng pamilya kung kaya ang luho ng isang asawa o anak ay hindi pwedeng isama sa paghingi ng suporta. Sino ba dapat ang magsuporta? Nasa Family Code na ang pagsuporta sa anak ay dapat mutual o parehong magulang at hindi lamang ang isa sa kanila at ito ay ibabahagi ng naayon sa Article 201 at 202 ng Family Code. Ayon sa Article 201 ng Family Code ang suporta o sustento ng magulang sa anak ay depende sa capacity o kakayahan ng magulang at depende sa pangangailangan o necessity ng anak. Nasa Article 202 na ang sustento o suporta sa anak ay pwedeng taasan o babaan depende sa pag-taas o pag-baba ng kakayahan ng magulang o pangangailangan ng anak. Ang isyu kung kasal o hindi ang magulang ay hindi mahalaga sa suporta dahil kahit hindi kasal ang mga magulang ay may karapatan ang anak o illegitimate child na humingi ng suporta sa mga magulang niya. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae (kalive-in) at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na "economic abuse". Ito ay naiiba sa "psychological abuse" o "physical abuse" na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak. Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng "economic abuse" kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months - 6 years imprisonment). Paano kung nagsusuporta nga ngunit ito ay sadyang kulang? Ang Republic Act No. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa lalaki kung sinasadya nito na kulang ang suporta sa pamilya upang makontrol at pilitin ang gusto, ito ay isang economic abuse. Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae dahil sa mga ginagawa ng lalaki. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng kulong na prision correcional (6 months - 6 years imprisonment). Paano mo macompute kung kulang ang suporta? Kunin lahat ng needs ng bata for one month, i-divide ito sa dalawa, ang isa ay ang share ng nanay at ang isa ay share ng tatay. Kung ang suporta ay mababa sa share ng tatay at ito ay sinasadya upang parusahan o kontrolin ang galaw ng nanay at bata, ito ay pwede na pumasok sa krimen na economic abuse.
Đọc thêmMommy mron dito si attry madami po siyang na advice na ganyan tungkol sa mga nangangailangan ng support sa anaj nila sinagot po niya yun ani ang mga cases na pwedeng ipapila sa tatay. Basahin niyo nalang po ying mga in advice po niya i hime it will help.
Same case here. Ask ko lang, magkano ba ang enough na sustento? Yung tatay kasi ng anak ko, 3 months straight di nagsustento. Then nagbigay ng 1k, tapos di ko alam kung kelan sya uli magbibigay. 1 yr and 9 months baby ko. 23k-24k basic salary nya.
Talk to lawyer po para magkaroon kayu ng legal contract , kung saan nakalagay na monthly ka niyang bibigyan ng money para sa child support (ganun kasi yung ginawa ng mother ko sa father ko na hindi nagbibigay ng child support saakin dati)
I feel u mommy ang hirap tlaga pag walang work. Tapos pag nabuntis tayo kawawa lagi financially at emotionally haizt. Tayo din kailangan mag alaga sa bata. Tapos kung iiwan ka ng nakabuntis sayo wala ka din magagawa.
Kung in good terms naman kayo pag usapan ninyo. Kelangan din na nakalista laht expenses mo para makita ng tatay ng anak mo ung napuputahan ng money niya at para mas madali din magrequest ng dagdag
Parehas tau mommy Pinagkaiba im leaving with my grandparents Sa una nag susuport tatay ng baby ko but kulang And ngaun nag stop n ung support nya Hinayaan ko nlang kawalan nya un
Đọc thêmTalk to your husband about it. Kung ayaw niya, consult a lawyer. Depende rin sa financial capacity ng tatay ang makukuha mo.
Idiscuss ninyo dapat ung arrangements niyo at dapat may contract para medyo may takot in case ma missed niya ulit
Pwede ka magconsult sa lawyer para madiscuss din ung legal terms ninyo like child support